Twenty Three

3.3K 56 2
                                    

EMMA POV

AFTER **** HOURS TAPOS NA AKO! FINALLY MAKAKAPUNTA NA AKO SA EXHIBIT NI DAVID!!! SANA MAY MAABUTAN PA AKO.

Hindi na ako nakapag ayos dahil sa kakamadali ko. Dumaan din ako sa isang pastry shop, at bumili ng cake. I know it's not enough to congratulate David but I;m sincerely happy for him.

Kanina ko pa siya tinatawagan, pero hindi niya sinasagot baka busy siya sa pag entertain sa mga tao.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Finally nasa location na ako!!!

Sobrang ganda ng design at sobrang daming tao! Pero halos nag uuwian na yung iba, wala na yata akong naabutan.

Papasok na sana ako kaya lang napansin ko ang isang matandang nakatayo lang sa labas.


"Excuse me po?" tanong ko sa kanya.

He looked at me puzzled. I can't be wrong! Feel ko siya yung Lolo ni David! I can tell kasi may resemblance sila!!!

"Iha, anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Bakit hindi po kayo pumasok? Alam ko, wala ako sa lugar na sabihin to, pero kung mahal niyo po ang apo niyo, gugustuhin niyo po siyang maging masaya. And I'm sure, the only thing that would him happy is your acceptance."

"Wala ka sa lugar iha at ano bang sinasabi mo, hindi nga kita kilala."

"Hindi ako pwedeng magkamali! Kayo po ang Lolo ni David!"

Alam kong wala akong karapatan manghimasok sa problema nilang mag lolo. Pero kaibigan ko si David at gusto ko lang siyang maging masaya!

Tumahimik siya sa sinabi ko.

"Kahit hindi po kayo magsalita, alam ko pong may pakialam pa kayo sa kanya. Alam ko pong nag aalala kayo sa kanya. Kaibigan ko po si David. Matagal na niyang gusto na magkabati kayo.. Ginagawa niya po lahat para patunayan sa inyo na tama ang desisyon niya."

Tahimik lang siya. Hindi niya ako sinasagot. Alam kong totoo lahat ng sinasabi ko kahit hindi niya aminin nag aalala siya kay David!

"Emma? Anong ginagawa mo dito sa labas?"

Napansin ko naglalakad patungo sa direksyon namin si David, natigilan siya bigla nang makita ang Lolo niya.

"Lolo...."

Hindi na niya napigilan ang sarili niya, niyakap niya agad ang Lolo niya sabay umiyak. Alam kong matagal na niyang gustong mangyari to.

Hindi ko rin alam kong bakit pero naiyak nalang ako ng makita kong niyakap din siya ng Lolo niya ng mahigpit.

"I'm so proud of you... ipinagmamalaki kita apo."


Finally, after how many years okay na din sina David at ang Lolo niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos ang madamdaming pag uusap nilang mag Lolo. Niyaya kami ng Lolo ni David na kumain sa isang restaurant.

"Lo, wag po kayong masyadong kumain ng kanin. Hindi po ba low carb diet kayo, bawal po sa inyo yan dahil may maintenance kayo."

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon