ALEX POV
Kung bangungot lahat to sana magising na ako. Pagkatapos ng masasayang araw na kasama ko si Brylle. Magiging ganito na lang ba lahat? Ang bigat bigat sa pakiramdam. Hilong - hilo na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit nangyayari sa akin to?
"Anak!" tawag sa akin ni Papa habang tumatakbo papunta sa kinauupuan ko.
Iyak lang ako ng iyak, wala akong lakas na gumawa ng kahit ano. Hindi mawala sa isip ko si Brylle. Nag aalala ako sa asawa ko. Hindi ko makakaya kung mawawala siya sa buhay ko. Mugto mguto na ang mga mata ko, wala na akong boses... hindi ko na kaya. Nasa ICU ngayon si Brylle at walang malay.
Hanggang sa lumabas yung doctor in charge.
"D-oc anong lagay ng a-sawa ko? O-kay lang ba siya?"
"He's unconscious. Sa ngayon hindi ko masasabi kung magiging okay siya."
Mistulang pinasan ko ang buong daigdig sa mabigat na balitang natanggap ko. Bakit ganito? Walang malay yung asawa ko. Bakit nangyayari lahat to.
Hanggang sa bumagsak ako. Hindi ko na kinaya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tito wag na kayong mag alala, ang sabi ng doctor stress lang daw yung dahilan kung bakit nawalan ng malay si Insan." naririnig kong nagsasalita si Mia sa paligid ko.
Nanghihina pa ang katawan ko, halos wala akong lakas na bumangon. Pero naisip ko si Brylle, nasaan yung asawa ko. Okay na ba siya? Gising na ba siya?
"Anak! Emma, gising ka na! Okay ka lang ba?" tanong agad sa akin ni Papa pagkadilat ko. Doon ko lang napagtanto na nahimatay pala ako kanina at nasa patient room ako ngayon.
"Papa .. n-asan si Brylle? Gising na ba siya? Okay na ba siya? Papa! Magsalita kayo, insan! Ano ba, nasan yung asawa ko?!!" hindi ko mapakalma yung sarili ko, sobrang nag aalala talaga ako sa asawa ko. Ano nang nangyari sa kanya?!
Hanggang sa may lalaking yumakap sa akin. Pilit niya akong pinakalma dahil nagwawala na ako.
"David....?"
Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko si David ngayon, akala ko hindi ko na siya makikita. Huling nakausap ko siya sa America, at simula noon wala na akong narinig na balita sa kanya. Kahit sa kasal namin hindi siya pumunta, at naiintindihan ko naman yun dahil nasaktan ko siya. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ulit ngayon, para sa akin.
"Wag ka nang umiyak, be strong. Kailangan ka ni Brylle ngayon." then he pat my head again, like he always do.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maya-maya ipinatawag kami lahat sa office ng doctor ni Brylle.
"I am Doctor Dixon, I am your husband's doctor. I found out that he had COPD before, pero sabi niyo nga he's cured. But COPD patients are prone to develop complications. That's what happened to your husband. We have two major problems, first his heart is weak he really needs a life support, second he needs to undergo liver transplant, this is urgent, we don't have time. We need to look for possible donors as soon as possible. Your husband's life is at risk."
Dahil sa sinabi ni David sa akin kanina, sinubukan kong hindi panghinaan ng loob. Kailangan kong maging matatag, para kay Brylle. Ilalaban ko siya hanggang sa dulo ng makakaya ko, gagawin ko lahat.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...