ALEX POV
Nakalabas na ako ng ospital ngunit inadvice ng doctor na magpahinga muna ako. Over fatigue daw kayo nahimatay.
Kaya ilang araw na akong nasa bahay, nag iisip at nagmumuni muni.
Nagpasa din ako ng medical certificate, kaya online nalang ang final exams ko at excuse din ako sa ojt.
Si Brylle? Hindi ko pa siya nakakausap. Sobrang dami kong iniisip, naguguluhan ako sa sitwasyon ko.
Kami ni Papa? Nag uusap naman kami. I decided to give him a chance. Tho, hindi ko pa siya totally napapatawad. It will take time, but I am willing to open up. Gusto kong subukang punan ang malaking kulang sa buhay ko.
"Anak?" mahinahong tawag niya sa akin. Nasa kwarto lang kasi ako.
"Bakit po?" halos naiilang pa akong nagtanong sa kanya.
Hindi pa kasi ako ganun kakomportable dahil ilang araw ko palang siyang nakakasama.
"Gusto ko sanang humiling ng isang pabor sayo."
"Ano po yun?"
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Emma, anak pwede bang sumama ka sa akin sa Batangas. Gusto kong makilala mo ang Tita Daisy mo at yung kapatid mo si Celine. Matagal ko nang hinihiling na mabuo yung pamilya natin at magkasama - sama tayo.."
Hindi ko alam kong anong sasabihin ko kay Papa. Sobrang bilis naman ng mga pangyayari. Bakit parang gusto na niya akong kunin agad kina Tita? Ganun ganun nalang ba yun?
Isa pa hindi rin ako sanay na tinatawag niya ako sa second name ko, naiilang ako. Ngunit wala akong lakas ng loob na magsabi sa kanya ng mga nararamdaman ko. Tila ba may malaking gap sa aming mag - ama.
"Pasensya ka na anak, gusto ko lang kasing makabawi sayo. Matagal ko nang hinihiling na mabuo ang pamilya natin, ang magsama sama tayo..."
"Pwede po bang pag isipan ko muna ... naguguluhan po kasi ako sa mga nangyayari ngayon. Pasensya na po."
Hindi nalang umimik si Papa. Alam kong hindi madali ito para sa kanya. Pero sadyang nahihirapan lang talaga ako mag desisyon.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Sabado na ngayon, at magkikita kami ngayon ni Brylle.
Nagpalit ako ng maayos na damit. At bumaba na.
"O' may pupuntahan ka ba?" tanong agad sa akin ni Tita.
"Opo Tita, may kikitain lang po ako. Mauna na po kayo mag dinner mamaya, sa labas nalang ako kakain."
"Anak san ka pupunta? Hindi ba wala naman kayong pasok ngayon?" nagtatakang tanong ni Papa.
"Ah, may kikitain lang po akong kaibigan."
Ayoko munang sabihin yung tungkol kay Brylle. Hindi pa ako komportable.
"Hindi ba pwedeng dito nalang kayo sa bahay magkita?" dugtong pa niya.
"Kuya Baste, payagan mo na si Alex. Hindi na naman siya bata, isa pa may tiwala kami sa kanya." singit ni Tito sa usapan.
"Wag na po kayong mag alala, susubukan ko pong umuwi ng maaga. Mag uupdate din po ako inyo." sagot ko kay Papa.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...