ALEX POV
( quick flash back, last night sa bahay )
"Insan, ano ba talagang nangyari?"
Kanina niya pa ako kinukulit pero hindi ko siya pinapansin.
"Oy ano nga, magkwento ka."
"BASTOS, ANTIPATIKO AT MAYABANG YUNG BRYLLE NA YUN! NAKAKAINIS! SINO BA SIYA? KUNG UMASTA SIYA AKALA MO NAMAN KUNG SINO!"
Natameme si Mia sa harap ko. Ngayon lang kasi ako naggagalaite sa galit! Pano nakakahighblood ng tunay yung Brylle na yun!
( end of flashback)
Back to reality.
Nasa student lounge kami. Meeting na naman tungkol sa election."Alex.."
"Hmm?" tipid kong sagot kay Sofia.
"Ano ba talagang nangyari kahapon?"
"Sige na mag kwento ka na!" pilit ni Beauty sa akin.
Nagtataka kasi sila kung bakit pagkabigay ko nung passport, nagyaya na ako umuwi.
So ayon na nga, kwenento ko lahat.
LAHAT LAHAT.
Guess what? Ganito sila nag - react.
"Type ka nun baklaaaa! Diba nga the more you hate, the more you love?"
"Niloloko ka lang nun, kasi nga interested siya sayo!"
"Kinikilig ako! Hahaha!"
Ang ine-expect ko magagalit sila sa lalaking yun.
Pero bakit gan'to? Lalo pa nila akong tinutukso sa Brylle na yun!
Sa wakas, nag start na din kami sa meeting. Finally naiba na yung usapan.
Hindi na yung basang sisiw na yun. :<
"Alex, okay lang ba na bumili ka ngayon ng mga gagamitin natin sa book store?" tanong sakin ni Sofia.
"Oo naman. Okay lang. Malapit lang naman."
"Pasensya ka na ha, hindi ka namin masasamahan. May ipapagawa din kasi ako sa iba eh." sabay abot niya sa akin ng listahan.
"Okay lang, akong bahala. Nasan yung pera?"
"Bale 300 to lahat. Anim na tag 50. Wala kasing hundredths eh."
"Sige aalis na ako." paalam ko sa kanila.
"Iwanan mo na bag mo bakla. Para hindi hassle mamaya, may dala kang cartolina eh."
Umalis na ako at iniwan ko na yung bag ko. Ang purse lang ni Sofia na may laman na 300 dala ko.
Okay na rin to, makakapaglakad lakad ako mag isa. Unlike kong nandun ako, kukulitin lang nila ako tungkol sa Brylle na yun.
BRYLLE POV
Hindi ko makalimutan yung babaeng yun! :<
Tsk. Ewan ko ba lagi siyang pumapasok sa isip ko.
"James kilala mo ba yung babae kahapon?" tanong ko.
"Babae? Sinong babae?" tipid na sagot ni James.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...