Twelve

3.8K 63 2
                                    

ALEX POV

Maaga kaming pumasok ngayon dahil ngayon e po-post ang mga candidates for SSG. Kinakabahan ako, hindi ko pa kasi alam kung sino ang makakalaban ko.

"Insan kalma lang. Stress na stress ka na. Hahaha!"

"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung sino makakalaban ko. Alam mo namang first time ko to."

"Ano ka ba, okay lang yan. Huwag kang kabahan, kung sino man yun, I'm sure kaya mo namang talunin yun eh."

Ngumiti nalang ako, tama naman pinsan ko promotes possitivity dapat.

Phone beeps
1 message received
From : A friend
Good morning! I have a surprise for you.

Ano na naman kayang pakulo neto? Mamaya na nga, may mas importante pa kaming aalamin muna.

Madami nang tao sa harap ng bulletin board, mga taga St. Jhon at St. Raymond. Pero wala yata sina James? Baka mamaya pa nila titingan.

Nakabantay lang kami malapit, madami kasing tao nagsisiksikan pa.

"Wait muna natin makaalis sila." suggest ng pinsan ko.

Tumango nalang ako sa kanya.

May mga nagbubulungan pero di ko maintindihan.

"Tara tingnan na natin." sabay na kami lumapit.

MISTULANG NAGING SEMENTO AKO SA KINATATAYUAN KO.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba to? Tama ba to? Seryoso ba to?

PERO BAKIT? BAKIT?!

PDP Party

Pres: JAMES ALEXANDER

V. Pres: BRYLLE SCOUT CONTEE

NAMAMALIKMATA BA AKO?

TININGNAN KO ULIT.

V. Pres: BRYLLE SCOUT CONTEE

BAKIT GANITO? BAKIT SIYA? SIYA TALAGA ANG KALABAN KO? BAKIT DI KO ALAM? BAKIT DI NIYA SINABI? ANO TO?

Di ako makapagsalita. Natahimik kami pareho ni Mia. Isa pa, pinag uusapan na ako ng mga tao sa paligid.

"Akalain mo yun sila magkalaban?"

"Akala ko mag dyowa sila?"

"Hindi naman magkakagusto si Brylle dyan! Ang gwapo kaya nun!"

"Baka ginamit lang siya!"

"Oo nga baka niloko lang siya!"

"Ginamit lang yata siya, kawawa naman."

"Tanga kasi naniwala! Akala naman niya intresado sa kanya si Brylle."

IILAN LANG YUN SA MGA MASASAKIT NA SALITA NA NARINIG KO.

"Hoy! Kung mag tsismisan kayo parang wala kami dito ah? Ang ta-tapang niyo! Gusto niyo ilampaso ko pagmumukha niyo sa semento? Alis!" galit na sigaw ng pinsan ko sa kanila.

Hinatak niya ako paalis sa kumpulan ng mga tao.

Bigla nalang kaming hinarang ng isang grupo ng mga babae.

"Ano Alexandra? Anong feeling ng pinaglaruan? Nakakaawa ka naman. Akala mo totoo na? Utuuto ka kasi! Teka, naiiyak ka ba? Hindi naman kita masisisi alam kong nakakaiyak pero aminin mo mas nakakahiya. Hindi ba? Hahaha!"

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon