Four

5.9K 109 2
                                    

ALEX POV

Early kami nag dismissed ng klase, at agad - agad dumiretso na kami sa canteen.

Habang naglalakad kami, ewan ko ba at bigla nalang nawala sina Beauty at Mia. Hindi namin namalayan, naglaho na parang bula.

"Nasan si Beauty?"

Bago pa ako nagtanong naunahan na ako ni Sofia.

"Baka naghahanap na naman ng gwapo, alam niyo naman yun." sagot ni Myka.

Magkasama kaya tong dalawang to? sa isip - isip ko.

"Omorder na tayo, Alex dito ka lang kami ni Myka." saad ni Sofia.

Tumango nalang ako at umupo na sa table.

Pagkaalis na pagkaalis lang nila, bigla nalang narinig kong may sumisigaw ng malakas.

"BAKLAAAAAAAAAAAAA!"

"INSAN!!!!!"

GRABE SI BEAUTY AT MIA KUNG MAKASIGAW!

Nakakaloka! Ang sama tuloy ng tingin sa amin nung tindera sa canteen.

"Ang lakas ng boses niyo! Mapapagalitan tayo!" saway ko sa kanila.

"Uminom nga muna kayo. Hinihingal kayo pareho. Yung totoo? San ba kayo galing? Digmaan?" dagdag ko pa.

"Mismo! Nakipagtulakan pa nga tong si Mia eh!" sagot ni Beauty.

"Keri lang, kahit nakakapagod. Sobrang worth it naman!" tuwang - tuwa pa tong pinsan ko.

ANO BANG MERON???
WALA AKONG IDEYA.

"Kayong dalawa ang lakas ng sigaw niyo! Akala mo'y jackpot sa lotto!" singit ni Myka.

Tapos na sila umorder.

"Mas bongga pa sa lotto ang nakita namin ni Mia! Diba bakla?!"

"YES NA YES!" sabay apir ng dalawa.

"Hulaan ko lalaki to? Nako Alex, wag mong hayaang sasama - sama si Mia kay Beauty, alam mo namang tirador ng lalaki yan." biro ni Sofia sa dalawa.

"Malamang bakla ako. Magtaka ka kong babae habulin ko!" sabay irap ni Beauty.

Hahaha! Nagtawanan nalang kami.

"Teka nga, ano ba kasing meron?" singit ulit ni Myka sa usapan.

"Well eto na nga, may bagong gwapo dito sa school natin! As in gwapo talaga! Sobrang gwapo!" excited na kwento ni Beauty.

"Sino naman? New student? Transferee?" tanong ulit ni Sophia.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ako ay walang interes sa ganyang usapan. :>

"Tumpak! Pero sad, hindi namin nalaman pangalan niya. Sayang. Huhu." may paiyak-iyak pa si Beauty.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon