Sixteen

4.4K 75 2
                                    

ALEX POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Hindi ko talaga siya makalimutan. 

Want to know what happened after he kissed me?

He gave me the sweetest smile, pat my head and leave. 

"Alex? Alex? Hoy Alex?" paulit ulit na tawag sa akin ni Sophia. 

"Ha? Ano yun?" blanko kong tanong sa kanya. 

"Okay ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili eh."

"Sorry mag iniisip kasi ako eh. Bakit pala?"

 "Pinapasabi kasi ni James na may meeting daw kayo ngayon. Pumunta ka daw sa office."

"Salamat Sophia ah, sge alis na ako."


Binilisan ko na lang lakad ko papuntang office, at pagpasok nandun na sila lahat pati SSG adviser namin. Ako nalang pala ang inaantay. :[[[

"Sorry po Ma'am late ako."

Tumango lang sa akin si Ma'am sabay senyas na umupo na ako sa pwesto ko. 

Medyo madami dami na silang napag uusapan, nakikinig lang ako pero hindi talaga ako maka focus. Iniisip ko pa din yung nangyari kagabi.

Bakit niya yun ginawa? At bakit hinayaan ko lang siyang gawin yun?

TSAKA FIRST KISS KO YUN!!!


"Alex? Alex?" 

Nasa harap ko na pala si James at kinakausap na ako. 

NAKO NAMAN ALEXANDRA UMAYOS KA NA. NAKATUNGANGA LANG AKO BUONG MAGDAMAG HINDI KO MANLANG NAPANSIN NA TAPOS NA PALA YUNG MEETING NAMIN. :[

"Pasensya kana James ha, may iniisip kasi ako eh. Ano palang kailangan mo?"

"Gusto ko sanang mag inquire ka ng mga prices neto." sabay abot niya sa akin ng papel. 

"Mga gagamitin natin yan sa acquaintance party." dugtong pa niya. 

"Okay sige ako nang bahala."


Palabas na ako ng office pero tinawag ulit ako ni James. 


"Alex wait. Saglit lang dito ka muna." utos niya sa akin. 

Sumunod nalang din ako sa kanya. May tinitingnan lang ako sa phone ko ng biglang may pumasok nang padabog sa office. 

"James, ano na naman bang iuutos mo?!" reklamo niya. 

Kilala ko yung boses. Kahit nakatalikod pa siya sa akin. Alam kong siya yun. 

SI BRYLLE YUN. 

"Papasamahan ko sana sayo si Alex sa mall, mag iinquire kasi siya ng mga items na gagamitin sana namin." explanation sa kanya ni James.

"Si Alex?" tanong niya. 

Bigla nalang nagbago mood niya pati tono ng pananalita niya nag iba na din.  :<

"Hindi James, huwag na. Kaya ko namang pumunta mag isa eh." sabat ko sa usapan nila. 

Pagkasabi ko nun, nilingon ako ni Brylle. Tapos naglakad siya palapit sakin. 

"Matitiis ba kita?" bulong niya sa akin.

Bago pa ako naka react, hinawakan na niya kamay ko. 

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon