Twenty

3.6K 54 0
                                    

Everything went black.

Paggising ko nakahiga na ako sa couch. Napansin ko din na may ice bag at thermometer sa tabi ko. Nasan ako? Wala akong maalala.

Pinilit kong bumangon ngunit hindi ko kaya halos wala akong lakas na itayo ang sarili ko.

"Gising ka na pala." narinig kong sabi ng isang lalaki.

Lumingon ako at nakita kong naglalakad siya palapit sa direksyon ko. Sino siya? Bakit ako nandito anong nangyari?

"Wag mo munang piliting tumayo dahil hindi mo pa kaya, kakagaling mo lang sa sakit kaya mahina pa ang katawan mo."

"I'm sorry, pero hindi kita kilala. Hindi ko maalala kong bakit ako nandito ngayon ... wala akong matandaan." sabay umiwas ako ng tingin.

"You were unconscious last night, you passed out in front of my shop. Sobrang lakas ng ulan kagabi at noong nilapitan kita inaapoy ka ng lagnat. My first plan was to bring you to a hospital, kaya lang walang taxing dumadaan. And unfortunately sira yung kotse ko. I have no choice so I decided to bring you inside."

Natahimik nalang ako noong sabihin niya lahat ng nangyari.

Ngayon tanda ko na lahat ng nangyari kagabi. Naaalala ko lahat. Yung tungkol sa kapatid ko, kay Brylle at lalong lalo na yung kay Papa.

Malinaw pa sa alaala ko ang masasakit na salitang binitawan niya.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko, sobrang sakit na. Bugbog na bugbog na ako.

"Heto.." sabay abot niya sa akin ng panyo.

Mas lalo lang akong humagulgol sa iyak. I looked a mess right now. I can't even believe I'm crying in front of a total stranger!!!

I don't know why he suddenly stood up and extends his hand into me.

"My name is David.. and who are you?" he ask.

Naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Nakatingin lang siya sa akin at naka extend pa kamay niya animo'y makikipag shake hands.

"Alex, Alexandra Santos." tipid kong sagot.

"Then we are not strangers anymore. Feel free to cry, don't be uncomfortable. I don't have any idea, what's bothering you, but if it feels heavy then go, you can cry in front of me."

Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Kahit papano, feeling ko hindi ako mag isa ngayon.

Dahil kasama ko siya.

He is with me.


( fast forward )


Makalipas ang ilang minuto, medyo omokay na ang pakiramdam ko. At napagtanto ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.

"David ... maraming salamat pala sa lahat. Hindi mo ako kilala pero tinulungan mo ako."

"Ano ka ba wala yun, tsaka isa pa magkakilala na tayo ngayon." biro niya sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Siya nga pala pwede bang makahiram ng cellphone? May tatawagan sana ako."

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon