EMMA POV
Matagal kaming magkausap ni David sa video call kagabi, ngunit hindi ko mabanggit sa kanya ang tungkol kay Brylle. Alam kong mali na magsinungaling ako sa kanya. Pero wala akong ibang maisip na paraan.
Natitiyak kong hindi kakalma si Papa kung malalaman niyang si Brylle ang kasama ko ngayon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang sa dumating ang araw na okay na si Brylle, magtitiis ako dito. Hanggang sa araw na yon.
Kinaumagahan pumasok ako sa kwarto ni Brylle, I need to do close observation. Kailangan na naming mag umpisa, ayoko nang magsayang pa ng panahon dito. Ayokong dumating sa puntong hindi na ako sigurado kung iiwan ko ba siya ... o hindi.
Umupo ako agad sa tabi ng kama niya, kahit medyo awkward okay lang kasi tulog naman siya. Napansin kong hindi maayos na nakakabit ang isang wire sa may bandang ulo niya. Kaya automatic na napatayo ako at inayos ko yun. You can imagine our position naman diba? Nakahiga siya sa kama, at nakatayo ako habang nakabend sa may bandang ulo niya. Medyo nakatapat ang dibdib ko sa ulo niya .. medyo lang naman.
Dahil sobrang busy ako sa pag aayos ng wires hindi ko napansin na gising na pala siya! Automatic na napabalikwas ako. Nakakaloka!
"Sorry may inayos lang ako sa monitor mo, hindi kasi nakakabit ng maayos." paliwanag ko sa kanya.
Nginitian lang niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon, after all these years who taught na magkikita pa pala kami.
"Brylle makinig ka sa akin. Mag umpisa na tayo, tulungan mo yung sarili mo na makabangon ulit."
Bigla naging malungkot ang facial expression niya. Alam ko naman na kung kami nahihirapan na makita siyang ganyan, ano pa kaya siya? Kung ako ang nasa lagay niya hindi ko alam kung paano ko kakayanin na mabuhay pa.
"May tiwala ka sa akin diba? Naniniwala akong gagaling ka."
He just nodded and smile.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[ 2 months after ]
Ganon kabilis ang takbo ng panahon, at sobrang laki na ng ipinagbago ni Brylle. Ngayon maayos na ang pagsasalita niya, ang laki na ng improvement niya.
And today, susubukan namin kung kaya na niyang huminga without oxygen.
"You did it!" i shouted in excitement.
Nagawa ni Brylle! Nakaya niya! Masayang masaya ako para sa kanya.
[ 3 months after ]
This time naka focus na kami sa food intake ni Brylle. Malaking bagay kung solid foods na kakainin niya, sa gayon mas mabilis na ma re - restore body health niya.
Thankfully mabilis siyang naka adjust, ngayon regular meals na din siya kagaya namin. Sobrang na a-amazed ako na mabilis ang paggaling niya.
"Mamaya matunaw na ako ha." puna niya sa akin.
Nakatitig na pala ako sa kanya. Tatlong buwan na kaming magkasama subalit hanggang ngayon hindi ko pa rin mahinuha ang realidad.
Magkasama kami ulit ngayon ni Brylle.
"Hindi ah. Hindi kita tinitingnan." sabay umiwas ako ng tingin.
"Ibang iba na ako ngayon diba? Hindi na ako kasing gwapo gaya ng dati."
"Nagagawa mo pang magbiro sa lagay na yan ha." sita ko sa kanya.
[ 5 months after ]
Isang buwan nalang matatapos na ang anim na buwang kontrata ko. At ngayon masasabi ko nang totally recovered na si Brylle, tho may mga maintenance medicines pa siya, physically okay na siya.
Kaya na niyang tumayo at maglakad mag isa.
"Doctor Emma, I couldn't think of any to thank you, sobrang laki ng utang na loob namin sayo."
"Naging posible po lahat ng to hindi lang dahil sa akin, kundi dahil narin po sa anak niyo Mrs. Benavides." sagot ko sa kanya.
Ngayong okay na ulit si Brylle medyo naiilang na ako. Kagaya na ulit kasi noong dati. At isang bagay pa ang pagsisinungaling ko kay David at sa pamilya ko. Alam kong masasaktan sila pag nalaman nila ang katotohanan.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Two days from now 29th birthday na ni Brylle. Alam kong isang buwan pa bago matapos ang kontrata ko, subalit ayoko na dito. Gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Habang busy sila lahat sa preparation humanap ako ng tamang tyempo para kausapin ang Mommy ni Brylle.
"Mrs. Benavides, can I talk with you for a moment?"
"Sure doctor Emma, what is it?"
"Pwede bang tapusin ko na yung kontrata ko? Gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. As your son's doctor, I guarantee you na okay na si Brylle. He recovered from it."
Pansin ikinagulat niya ang sinabi ko. Marahil dahil wala siyang ideya kung sino ako sa buhay ni Brylle.
"Doctor Emma, is there something wrong? Bakit biglaan naman, you still have a month here in America. And also were having a thanksgiving and a birthday party for my sons two days from now."
"I'm sorry but I really need to go back. I've made up my mind."
"Is this about your boyfriend? That guy whose with you noong unang bese tayong magkita. What was his name again? David?"
Bago pa man ako nakasagot, napansin kong nasa likod na pala namin si Brylle. Hindi ako sigurado kung narinig niya lahat ng pinagusapan namin ng Mommy niya. Kung ganoon man, alam kong magtataka siya. Sa loob ng limang buwan na kasama niya ako, kahit minsan hindi namin napagusapan si David. Dahil sa tuwing mag uumpisa siya ng usapan tungkol sa nakaraan namin, ginagawa ko lahat makaiwas.
Maaaring hindi ako handa na sagutin lahat ng mga tanong niya o maaring hindi ako handang marinig lahat ng mga sasabihin niya.
"Please do me a favor, stay until my birthday. Just that day, after that you may leave as you pleased." he said and turned his back to us.
Honestly I was clueless. I don't know what to do. I don't know how to escape this situation that I got in. I feel guilty. I felt like I was cheating with David and another thing I'm lying with my family.
I am doing all this for Brylle.
Did my heart got tamed for the second time?
End of Chapter
BINABASA MO ANG
First Love
Ficção AdolescenteMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...