BRYLLE POV
I wasn't too ignorant not to think about this. I know it's not impossible for her to loved again. Every time she avoided to talked about us, I know there's someone. I know there is someone she cares about. And now I found out who was it, that guy named David.
I know it's wrong, but I can't help myself, I want her to be mine again. If you think I'm selfish, then it's okay but there's no point of turning back.
I will get my girl back.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[ night of the party ]
Sobrang daming bisitang inimbita ni Mommy pati sina James at Ryan nandito din. Actually, ayoko nang ganitong party, magarbo, madaming tao at masyadong agaw atensyon. Ngunit mas pinili ko nalang sumangayon kay Mommy, after all inalagaan niya ako at hindi ako sinukuan for 6 years. At ngayon ko lang ulit siyang nakitang masaya.
"Good evening everyone! Thank you all for coming here as we celebrate my son's life! Everybody might not know, but these past six years my son was in comma, we are hopeless."
Nilapitan ko na si Mommy sa stage dahil umiiyak na siya. Batid kong sobrang pinagalala ko siya.
"Mom, it's okay don't cry. I'm okay now." then I hugged her.
Nagpalakpakan lahat ng bisita at karamihan sa kanila napaluha din. Kahit ako hindi ako makapaniwala na tapos na ang halos anim na taon kong kalbaryo.
"Everything is not possible without one person. Everyone, I'd like you all to meet my son's personal doctor, Doctor Alexandra Emma Santos from the Philippines!"
I saw Alex walking towards us.
She look too attractive.
She is wearing a long black mermaid gown, with a slit in her left leg.
Her hair is braided. Her makeup is fine.She elegant without even trying.
Nagbalik lahat sa alaala ko. Nasariwa ko ang panahong magkasama kami. Noong unang beses ko siyang nakilala, una naming pag uusap, ang pang aasar ko sa kanya. Noong naging girlfriend ko na siya .. nagbalik lahat.
Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sinaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko.
"Cheers!"
Nabalik ako sa realidad noong mapansin kong nagyaya mag toast si Mommy. Bakit wala na si Alex sa harap ko? Nasaan na siya???
EMMA POV
Lumabas na ako sa function hall. Hindi ako komportable dahil panay ang tingin sa akin ni Brylle. Dumiretso ako sa may garden sa labas, magpapahangin muna ako. Ang dami kong kailangang isipin. Hindi ko alam kung bakit pinaabot ko sa ganito katagal. Limang buwan na akong nagsisinungaling kay David, limang buwan na akong gumagawa ng kwento. Sobrang na gui - guilty na ako.
"Bakit lumabas ka?" lumingon ako at nasa likod ko na pala si Brylle.
"Brylle? Anong ginagawa mo dito? Pumasok ka sa loob."
"Ikaw ang pumasok sa loob. Malamig dito baka magkasakit k——
"Pwede ba Brylle?! Huwag mo na akong intindihin. Leave me alone!"
"Alex, why are you acting like this?"
"Ano na naman ba?! Ano pa ba ang gusto mo?"
"Mag usap tayo please Alexandra!"
"Wala na tayong pag uusapan pa Brylle! Wala na!"
"MAHAL PA RIN KITA! HANGGANG NGAYON MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA!" sigaw niya.
"Brylle pwede ba tama na?! Tumigil ka na! Maayos na ang buhay ko, wag ka nang manggulo! Babalik na ako ng Pilipinas!"
"Alex pwede pa natin ayusin lahat, magsimula tayo ulit ... Alex please trust me one last time!"
"Sabi nang tumigil ka na! Ayoko nang marinig pa yan sayo!"
"Then tell me you don't love me anymore! Say it in front of me Alex! Sabihin mo ngayon sa harap ko na hindi mo na ako mahal! Na ayaw mo na sa akin! Tell me! Magsalita ka!" sigaw niya habang mahigpit na hawak ang magkabilang braso ko.
"Nasasaktan ako Brylle! Ano ba bitawan mo ko?!"
"Putang ina naman Alex magsalita ka!!!"
Binitawan niya ko at sinuntok niya yung pader sabay sinipa niya ba yung flower pot sa gilid.
"Gusto mong malaman ang totoo?! Galit na galit ako sa sarili ko dahil kahit pa sinaktan mo ako nagkakaganito pa rin ako sayo! Ayoko na Brylle! Gusto ko nang mawala ka sa buhay ko, okay na ako! Okay na ako nun! Bat ngayon ginugulo mo na naman ako! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa din ako!" nagwala na ako, nasabi ko na lahat ng kinikimkim ko sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko humagulgol na ako sa iyak.
Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako. Kahit wala akong lakas pinagsusuntok ko siya, galit dapat ako sa kanya pero bakit iba ang nararamdaman ko! Bakit ako nagkakaganito!!!
"WHAT'S HAPPENING HERE?!" huli na nang mapansin namin na nasa garden na pala si Mrs. Benavides kasama sina Tito Jacob, si James at Ryan.
"Anong sinasabi niyo ha?! Tama ba yung narinig ko?! Are you that girl?! Are you that Alex?!!! Answer me! Manloloko ka!" sigaw sa akin ng Mommy niya. Inaawat na siya nina Brylle pero hindi siya kumakalma. Totoo nga ang sinabi ni Tito Jacob na galit na galit sa akin ang Mommy ni Brylle.
Nakatayo lang ako sa harap nila na parang istatwa. Gusto kong tumakbo palayo sa kanilang lahat, pero sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sunod sunod lang ang pagpatak ng mga luha ko. Akmang sasampalin na ako ng Mommy niya.
Hanggang sa....
"Don't you dare hurt my woman." isang pamilyar na boses ang umagaw ng atensyon.
"David???" mas lalo lang akong naiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa America ngayon si David, pero masaya akong nandito siya ngayon sa harap ko.
"Don't cry, I won't let them hurt you." he pat my head and hold my hand. The next thing I remember nasa kotse na kami.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Halos hapon na noong magising ako kinabukasan. Nahihilo pa ako, sobrang sakit ng katawan ko.
"Wag ka munang tumayo, medyo mataas pa ang lagnat mo."
It was David.
Nasa harap ko si David ngayon. Hindi ako makapaniwalang totoo to. Nakatayo lang siya sa harap ko, walang bahid ng galit ang expression ng mukha niya. Nakangiti lang siya sa akin na parang walang nangyari. '
"D-avid .. i-m s-orry." nakayuko kong sabi sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya, hiyang hiya ako dahil niloko ko siya, nagsinungaling ako sa kanya. Nasaktan ko siya. Parang walang katapusan ang mga luha ko, animo'y gripo na bukas.
Wala akong narinig sa kanya. Wala siyang kahit na anong sinabi, hindi siya nagalit ...subalit kahit wala siyang sabihin alam kong wala ng kasingsakit ng ginawa ko sa kanya.
I resent myself for hurting him so much.
End of Chapter

BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionNararamdaman ni Brylle at Alex ang isang pag-ibig na matibay, halos perpekto-isang pagmamahalang pinanday ng panahon. Ngunit hindi lahat ng kwento ay walang hadlang. Isang anino mula sa nakaraan ni Brylle ang maglalagay ng lamat sa kanilang pagsasam...