ALEX POV
Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yun. Sobrang seryoso nung mukha niya. Talaga bang gusto niya ako maging kaibigan? Pero bakit?
( quick flashback )
"Why can't we be friends?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kaya natawa nalang ako.
"Alex I'm serious. Answer me, why I can't be your friend? May mali ba sa akin? Dahl ba mayabang ako at bastos sabi mo pa nga.."
Wala talaga akong idea kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ako handa sa ganitong usapan. Medyo na a - awkward pa ako kasi ang seryoso niya magsalita.
"I won't ask for your answer but I'll do whatever it takes to be your friend."
Pagkasabi nun, naglakad na siya pababa.
"May kaibigan bang nang iiwan ha Mr. Contee?" biro ko sa kanya.
Tumigil siya sabay lumingon sa akin nang nakangiti.
"Seryoso ba yan? Magkaibigan na tayo, ha?"
"Ewan ko sayo, dalhin mo na nga lang tong mga gamit panlinis hindi ka naman tumulong sa akin e."
"Sorry na, hoy sorry na."
Parang tanga nagpapa cute, hindi naman bagay! Natatawa nalang ako sa kanya.
Syempre noong una, nag alangan ako. Pero, wala naman sigurong masama kung magtiwala ako kay Brylle .. mukha naman siyang mabait.
Isa pa, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung di dahil sa kanya wala na akong scholarship ngayon.
( end of flashback )
Kinabukasan sobrang nabusy kami sa school, nagpasa na kami ng list of candidates anytime soon malalaman na namin kung sino opponent namin.
Ngayon nasa auditorium kami lahat. Nagugutom na nga ako kanina pa kasi kami may ginagawa. :[
"Excuse me po. Nandito po ba si Miss Alex Santos?"
Lumingon ako at nakita kong may delivery man. Nilapitan ko siya.
"Ako po yun, bakit po?" nagutom tuloy ako kasi naaamoy ko yung Jollibee fried chicken na dala niya.
"Ma'am paki pirmahan nalang po dito." sabay abot niya sa akin ng papel.
"Ha? Pero wala po akong inorder Kuya eh." syempre tumanggi ako mukhang group bundle kasi inorder wala akong pambayad.
Lumapit na rin sa akin mga kaibigan ko. Nagtataka din sila kung bakit hindi kami nagkakaunawaan ng delivery man.
"Kuya, sigurado ka ba na dito yan? Wala naman kasing inorder kaibigan ko eh. Baka sa iba po yan." sabat ni Daniel sa usapan.
"Ang sabi kasi nung umorder, para kay Miss Alexandra Santos daw po. Nabayaran na naman to lahat, pipirmahan niyo nalang po Ma'am."
MALI BA PAGKAKARINIG KO? ANO DAW MAY NAG ORDER NG PAGKAIN PARA SA AKIN?
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMalalim na pag ibig ang namamagitan kina Brylle at Alex, almost perfect ang kanilang relasyon kung maituturing. Ngunit sila ay susubukin ng tadhana, isang bahid ng nakaraan ni Brylle ang magiging balakid sa kanilang pagmamahalan. Hanggang kailan ni...