Seventeen

3.9K 67 1
                                        

ALEX POV

It's been one month.  And it's official.

Brylle Scout Contee is my boyfriend.


Supportive sa akin ang mga kaibigan ko, lahat sila masaya para sa akin. Madalas narin tumatambay kami at yung MS. HAHAHA. Parang isang grupo nalang kami.

At sinabi ko na din kina Tita Betty ang tungkol sa relasyon namin ni Brylle pumayag naman sila dahil may tiwala daw sa akin. :]]]

Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyayari, it turns out senior year ko pala dito sa CCS ang pinakamasaya.


"Love!"


Sino pa ba? Edi si Brylle. Love yung endearment namin. Hahaha.

Nahiya nalang ako kasi ang lakas ng boses niya, ang dami kayang tao! Paglapit niya sa akin kinurot ko siya, nakakaloka pda na naman!


"Aray! Para san yun?" reklamo niya sakin.

"Bat mo kasi ako tinatawag nang ganyan, alam mo namang maraming tao eh."

"Bakit naman eh proud ako e."

"Gusto mo ba maglinis ulit tayo sa rooftop ha?" sarcastic kong sabi sa kanya.


Bago pa siya nakapagsalita lumapit na sa amin si James.


"Mamaya nang harutan madami pa tayong gagawin." sita niya sa amin.


Tumahimik nalang kami pareho ni Brylle. Hahaha! Takot din siya kay James eh. Hahaha! Kasalukuyan kasi kaming nag pre - prepare para sa event bukas. Acquaintance party sa CCS.

After ****** hours tapos na kami lahat. Sobrang nakakapagod pero worth it naman. :]

Late na din kami natapos kasi halos dinner time na, uuwi na ako kaya lang kinukulit ako ni Brylle na ihahatid daw niya ako.

Makulit siya kaya pinagbigyan ko lang.


"Insan!!! Hello Brylle!!!" nasa may gate palang kami tinawag na kami ni Mia.

"Mia!!!" tuwang tuwa pa niyang binati pinsan ko.

"Mama! Nandito yung boyfriend ni Alex!" narinig ko pang sigaw ni Mia kay Tita.


NAHIHIYA TULOY AKO. OO NASABI KO NA KINA TITA NA MAY BOYFRIEND AKO PERO SYEMPRE HINDI PA NILA NAKIKILALA.

SOBRANG BUSY SA SCHOOL KAYA KAHIT NGA MAG DATE HINDI NAMIN MAGAWA.


"Alex, papasukin mo siya." utos sa akin ni Tita.


Tumango nalang ako kay Tita pero hindi ako sigurado kong papayag ba ako. Kilala ko pinsan ko baka may mga ikwento kay Brylle. Hays.

Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung papapasukin ko ba siya sa bahay o hindi, pero anak nang!

NASA LOOB NA SI BRYLLE! INIWAN NIYA AKO AT PUMASOK NA SIYA SA BAHAY!


"Love tara na!" tawag niya pa sa akin.


MAS LALO AKONG NAHIYA SA GINAGAWA NIYA LALO NA NANDYAN SINA TITA :[[[ BAKIT BA SOBRANG VOCAL NIYA.

Ngumiting pilit nalang ako. Nako naman Brylle!


"Love pasok na daw! Hahahaha!" tukso sa akin ni Mia.


Pumasok nalang din ako sa bahay. At nakita ko na kausap na ni Brylle sina Tito at Tita. Hawak hawak niya pa photo albums namin. Patay na! Yung mga baby pictures ko!!!


First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon