Chapter 07: The Baptism

2.8K 142 6
                                    

SAEKO

AFTER that most scandalous moment of my life, napagpasyahan ng lahat na ipagpatuloy na lamang ang gagawing baptism bilang pagbibigay respeto sa relihiyon nila. Ramdam kong they're all blaming me for what happened. Well, then guess what.

I. Don't. Fucking. Care.

Napapahid ako ng malalamig na pawis gamit ang sleeve ng suot ko. Patuloy lamang akong naglalakad mula sa mahabang red carpet na nakalatag papunta sa altar. Mula sa harapan ay may nakaupong isang napakalaking rebulto ng tinitingala nilang si Zeus. Sa sobrang lawak at laki nito'y nalulula na ako kahit hindi pa tuluyang nakalalapit dito. Gawa ito sa ginto at talaga namang hindi pahuhuli sa nagmamayabang na pagkakahulma nito.

Sinipat ko pa ang buong paligid kasama na rin ang mga Titans at Demigods. Nakahiwalay ang puwesto ng mga lalaki mula sa mga babae. Sa lugar naman ay hindi tulad ng mga sambahan galing sa labas ng Olympus Academe ay higit na mas malaki at magarbo ito kung ikukumpara sa halos wala pa sa kalahati nitong sukat at metro. Napalilibutan ang bawat silid ng mga estatwa ng anghel na sa tingin ko ay kasama rin iyon nang itayo ang lugar na ito. Sa bawat column na aking nalalagpasan ay mayroon nakakapit na mga ugat habang nagsilbi namang disenyo ang mga puting rosas nito.

Diretsyo ko itong tinatahak, walang practice o anumang uri ng rehearsal. Mukhang tama naman ang ginagawa ko kaya kahit papaano ay nabawasan ang gumugulo sa isip ko.

Narating ko ang harapang bahagi ng simbahang ito. Limang pang hakbang bago ko tuluyang malapitan ang mga punong pangdangal para sa seremonyang ito. Dito bubungad sa akin si headmistress Fleroun habang may katabi siyang isang lalake na medyo nalalayo sa edad namin. Hindi katulad ng akin ay may kaunting disenyo ang suot niya kumpara sa plain look ko. May hawak-hawak itong maroon na unan na may katamtaman ang laki habang sa ibabaw naman no'n ay may puting panyo na para bang may tinatakpan itong isang mahalagang bagay.

Napanga-nga ako sa mangha nang sa paglapit ko ay natanaw ko ang isang average size na pool. Mula roon ay may nakatayong isang binata na I think ka-edad ko. Just like those other Demigods, his features are almost perfect. May kasama rin itong alalay habang nakalahad ang kamay nito bitbit-bitbit ang isang makapal na libro. Huminto ako dahil sa signal na ibinigay ng headmistress.

"All rise," sabi no'ng lalaking ka-edad ko habang nagsimulang tumayo ang bawat isa.

"A pleasant morning to you all especially for the person who's trully admirable to all Titans and Demigod, no other than the headmistress herself, Ms. Fleroun," he said while doing some traditional introduction. I yawned because of boredom.

"We are all gathered here because of one reason. We're here because a new alliance will soon be born after this special day of baptism," inform niya sa lahat ng mga nakikinig.

Tahimik lang akong nakikig sa harapan habang hindi inaalintana ang presensya ng mga manonood. Natuon naman ang pansin ko mula roon sa lalaking nagsasalita. Imbis na intindihin ko ang lahat ng sinasabi niya ay napili kong pag-aralan ang itsura nito. Kapansin-pansin ang suot nitong nagmumukod tangi sa karamihan. Medyo kulot ang dark coloured brown hair nito while he's wearing a real wreath. Hindi tulad ng ibang lalaking Demigods ay hindi masyadong built-in ang katawa niya. Hindi naman iyong sobrang payat ganun din ang laki. Average lang kumbaga.

That's when I realized na nag-space out pala ako. He cleared his throat. "Again, I'll repeat. As the son of the deity, the god Eireison, who embodied the sacred ceremonial olive branch, and as the progeny of peace. Do you accept the honor of Olympus Academe's prerogatives and obligations as a new companion for everybody?" tanong niya.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon