SAEKO
I thought this day will be my very first perfect day dala ng maaliwalas na araw na ito. That's when I thought it was all meant to be dahil magdadalawang oras na akong nakaupo mula rito sa tuktok ng Olympus. Nakatulala at mistulang wala sa sarili. Tuliro.
If you might ask me, yes. Nag-cutting ako. No one deserves me. Wala nang dahilan pa upang mamalagi ako sa lugar na iyon. Hindi ko sila magawang masikmura dahil sa kabila ng lahat, kahit ano pang tago at pagkukubli ang gawin ko, hindi pa rin nila matatanggap na lumaki ako sa labas sa karangyaan.
Hindi malayong may sumunod pang bali-balita tungkol sa akin. At nakahanda ako roon. Walang magarang bahay tulad nila. Laging kapos sa pera. Nakasanayang magdamit ng luma at sira-sira. Hindi makumpleto ang pagkain at minsan pa'y napaglilipasan ng gutom. Maging ang edukasyon ko ay hindi malayong magiging kuwestyonable na rin.
Gusto kong buksan ang kanilang mga mata mula sa katotohanan na ganito umiikot ang mundo. Walang masasabing may mayaman kung walang taong mahirap. Gano'n din ang kabaliktaran nitong walang mahirap kung walang taong mayaman. Hindi ko masasabing napagigitnaan ito ng pamumuhay kung saan balanse at sakto lamang ang lahat. Dahil para sa akin, mahirap mabuhay sa gitna. Mahirap hanapin kung saan ka ba talaga nababagay. Just what I do. Gusto kong buhayin ang sarili ko gamit ang sariling pagsisikap upang maabot ang pamumuhay na dapat ay aking tinatamasa dahil sa uri ng dugong nananalaytay mula sa akin. Pero dahil may gusto akong patunayan, mukhang mapapatagal bago ako makalipad galing sa putikan.
But there's one thing that I considered as my advantage from these perfect people. At least I can be free and do whatever I want. Walang tao ang nakasandal sa akin. Malayo sa responsibilidad bilang isa sa tinitingala ng lahat. Walang sino mang umaasa upang sila ay ilagtas mula sa kapahamakan.
Selfish to think but I'm just being hyprocritically practical.
As soon as the thought passed my mind, like those clouds above, I realized something strange. To be honest, their life sucks. They all look divines, but the truth is, they're already rotting atrociously.
Shame on me.
Pinagmasdan ko ang langit. Kahit pa nakatago ang araw ay mistulang buhay na buhay pa rin ito sa asul na kulay. Siguradong nakasilip ngayon ang mga diyos at diyosa mula sa makakapal na ulap.
Wala sa sariling nagpalabas ako ng ngiti. Ngiting kahit ano'ng subok kong ikubli mula sa kalangkutan ay nangingibabaw pa rin ang katotohanan. I can't lie to them. After all, they are the gods and goddesses of every thing. And it sucks, too.
Ilang buwan pa kaya ang kailangan kong hintayin upang mabawi ang dating buhay na hindi ako sigurado kung may uuwian pa ba ako. There's nothing left for me. Hindi ko lang talaga kayang matanggap ang katotohanan. Masyado ko lang talagang ipinipilit ang lahat na sa oras na makalaya ako rito, may sasalubong sa akin mula sa labas-na sasamahan ako sa lahat ng bagay.
Nakakapagod din pa lang ipilit ang gusto natin paminsan-minsan. Nakakapagod in a way na mare-realize mong nagiging masokista ka na.
Maybe they're right. I am hypocrite.
A Philosopher once said, people live for no particular reason. But they die for some reason. How I wish I could die this day and resurrect tommorow just to feel numb from this pain.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasyStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...