SAEKO
HINDI ko magawang umalma habang hawak-hawak ni Alphy ang kamay ko. Nakababa ang mukha ko dahil may ilang nakatingin sa amin. Mabuti na lang ay mahaba ang buhok ko kaya kahit papaano ay natatakpan ko ang itsura ko. Hindi ko na rin nagawang magpaalam kina Grace at Theodore dahil agad ako nitong kiladkad without giving any warning. How rude.
"Where are you taking me?" tanong ko habang hinihila niya pa rin ako nang marahas. Bakit ba ito nagmamadali?
"To the luxurious Femme fatale room," sagot niya bago kumindat sa akin. Kumunot ang dalawang kilay ko.
"And where the hell is that place?"
Ngumisi siya. Iyong ngisi na usually ginagawa niya kapag may gusto gawing ibang bagay which is giving annoyance. "Somewhere down the rainbow," he simply replied like it's just a small deal. What fucking raibow is he talking about? Tumahimik na lamang ako at hindi na muling nagtanong pa dahil puro walang sense ang nakukuha kong sagot mula sa kanya. Baka mas lalo lang akong mainis.
Sabay naming tinahak ang hagdanan pababa kung saan kami dumaan ni Theodore kanina. Kumpara sa kay Theodore, ramdam kong inaalalayan niya ako. Medyo hassle rin kasi kung sa grand staircase pa kami dumaan. Siguradong marami-rami pa rin ang tao roon. Palalim na rin ang gabing sumalubong sa amin. Hanggang ngayon ay may ilang sasakyan pa rin ang patuloy na dumarating mula sa labas ng Olympus. Pero hindi ito ang oras para manood ng mga bumababa galing sa mga magagarang sasakyan na iyon. Alam kong hindi pa rito nagsisimula ang misyon namin. It's about to start when the time comes. It's nearly happening. I just hope I can.
Hindi pamilyar ang daang tinatahak namin dahil hindi pa ako nagagawi rito. May ilang pasilyo rin kaming nalalagpasan habang pilit minememorya ang bawat sandaling lumalapat ang talampakan ko mula sa sahig. Olympus is really wide and big. Hindi ako makapaniwalang may mga lugar pa rin talaga akong hindi inaasahang nag-e-exist dito.
Matapos naming lumiko sa East Wing ay may nakita akong signage na may nakasulat na Femme fatale rūm habang simpleng nakasulat ito in Greek words. Pinagmasdan ko ang lugar. It's a long hallway. It's like a given space in the campus where you can walk freely. It's all white. May ilan din akong napansing mga average size na statues lit by expensive gold wall scones. They look classically styled. Nakahilera ang nga ito papunta sa nag-iisang double door. I instantly let go of Alphy's hand with a gasp.
"Come on. We have one hour and thirty minutes left before the Grand Celestial Ball starts."
Muli akong hinila ni Alphy diretsyo sa nag-iisang daan which I think is I think the way to the Femme fatale room. I rolled my eyes and cursed quietly. He doesn't need to remind me. Tss..
I don't know why but there's something in this place. Feeling ko ay may mga itinatagong bagay ang lugar na ito. It gives me goosebumps. Hindi naiwasang punan ng tingin ang bawat statues na nadaraanan namin. It's the replicas of Aphrodite. Their eyes are all closed like they've been sleeping a thousand years. I hate creepy shits.
Nang marating namin ang double door, saglit akong napalingon kay Alphy. Nagtataka ang mga mata kong sinalubong ang mukha niya. Why did we stopped? Narinig ko ang malalim na paghinga ni Alphy before he face the door. It sounds deep and unready.
"Once we enter this room, there's no backfiring," he said in the tone of warning.
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Ilang beses ko na nga bang sinabi sa sarili kong handa na ako sa bagay na ito? Tumikhim ako bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
ФэнтезиStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...