Mist:
WARNING: Contains mature scenes. If you're still under 18, then you should skip the bathtub scene. Read at your own risk and be responsible.
btw, this is my first time writing a cringe-worthy chapter. i feel so uhm... human? idk. im weird af!
SAEKO
MAGHAPON akong nagkulong sa loob ng kuwarto. Isang kagat ng ubas bago ito dumiretsyo pababa sa lalamunan ko. Kung anu-anong bagay na ang mga ginawa ko trying to kill this boredom. Nariyan ang pagmumuk-mok sa bintana, paglalaruan ang mga gamit, magbababad sa bathtub, kakain, matutulog ng ilang minuto, magigising at uulitin muli ang mga nasimulan.
Medyo may pagsisisi akong nararamdaman dahil sa napiling desisyon. Kahit naman sobra kong kinamumuhian ang mga tao rito ay hindi ko pa rin maiwasang ma-excite kapag naiisip kong sa wakas ay makakapag-aral na ako kahit pa hindi maganda ang dahilan kung bakit ako nandirito.
Dahil sa pagkabagot, nakaisip ako ng paraan para kahit papaano'y malibang ako. Lumabas ako ng dorm at pansamantalang tumingin kung may tao pa sa labas. Classes are still on-going kaya siguro wala akong nadatnan. And maybe this is the right chance for me to explore.
I'm wearing a white shirt paired with slacks and as usual, brown leather sandals for my footwear. Nakapamulsa ako habang tumitingin-tingin sa palagid. Maya't maya ang aking paglingon dahil sa mga nakamamanghang disenyo ng buong lugar na nadaraanan ko. Kahit pa punung-puno ng bitak ang bawat pader ay hindi pa rin nawawala ang pobre na mga estruktura. Mula naman sa labas ay kitang-kita iyon dahil may mga parte na bukas katulad na lamang ng ilang hallway na may mga nakatayong pulang locker.
Sa kabila ng napaglipasang panahon ay isa pang nagpamangha sa akin ay ang malinis na paligid. Masasabi kong napanatili nila ito sa mahabang panahon sa tulong na rin siguro nang ibang mga tauhang nangangalaga rito.
Wala akong pinalagpas na tanawin. Bawat malagpasan ko ay sinusuri at binibigyan ko ng pansin. Ang bawat detalye ay mistulang pinag-aaralan ko. It's like I'm living inside a museum. Their art never dies and it's immortal. Napadako ang atensyon ko nang mula sa tagong sulok kung saan natatakpan ito ng malaking rebulto ng mythical creature ay nakarinig ako ng mahihinang ungol.
Out of my curiosity, dinala ako ng sarili kong mga paa mula roon. I tiptoe just like a motherfucking fox without making any tiny bit of a noise. Pigil hininga akong sumilip habang nakasandal sa lumang artifact gawa ng mga sinaunang-tao. Malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang kagagaling ko lang sa isang matinding marathon. And to my surprise, bumungad sa akin ang isang blond guy na nakasandal sa mismong pader habang may kahalikan itong mas matangkad at medyo may kalakihang katawan kumpara sa kanya.
Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa nasaksihan. Never in my wildest dreams na makakakita ako ng actual na halikan ng lalake sa lalake. I mean it's okay, but as a person without any experiences, it feels like it's kinda awkward though.
"Damn, you're such a good kisser, Alphy," saad nung lalaking mayroon malaking katawan sa blond na lalake. Napangiwi ako dahil doon.
"Fuck, baby! Y-You're wild," the blond guy said before he smirked letting a moan between their heavy breathes.
Napansin kong may nunal ito malapit sa ibabang bahagi ng kanyang mata. Fair skin, mamula-mulang pisngi, medyo kulot na buhok at ang golden patch nitong nakadikit sa suot niyang uniform. So, he's an Alpha.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasyStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...