Chapter 38: The Annual Coming

1.4K 82 17
                                    

SAEKO

NAPAKURAP ako nang ilang beses habang patuloy siyang sinusuri. He's just standing there firmly while his both hands are hiding from his strong back. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng epekto niya sa akin. Minsan, sa sobrang bilis ay nakagagawa ako ng mga katangahan.

Deus cleared his throat before he finally speak using his usual manly voice.

"The headmistress called you. She needs you in her office, now," may awtoridad niyang saad habang matalim ang titig sa akin. Nalapunok ako bago napatango.

Ready na sana siyang umalis without saying goodbye to me, nang muli ko siyang tinawag.

"Deus,"

Napahinto siya ng hakbang, not turning to face me.

"Uhm.." I teased. Napakamot ako ng leeg.

"I'm.. so-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla itong pinutol ni Deus.

"Talk to me when you're not fully hesitant. I still have a lot of worthy things to fetch up before you."

And just by that, para akong sinilaban nang buhay dahil sa mga binitawan niyang salita. Mas tumindi lamang ang pagbaon ng tinik sa nararamdaman ko. I could barely die the moment he left me hanging... again.

Bagsak ang balikat kong isinara ang pinto at bumalik sa aking kuwarto upang mag-ayos ng sarili. Hindi puwedeng ganito ako sa harapan ng headmistress dahil paniguradong magtatanong na naman iyon ng mga bagay na ayokong sagutin.

Mag-isa kong tinahak ang daan patungong opisina ni headmistress Fleroun. Maraming tumatakbo sa isipan ko kung kaya't hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa lugar kung saan itinuturing ko nang ikalawang tahanan.

Medyo nanibago ako nang muling maglakbay ang paningin ko sa bawat sulok ng opisina. Dito ko napagtanto na matagal-tagal ko na rin palang hindi nabibisita ang lugar na minsa'y kinainisan at binigyan ako ng tiyansang patunayan ang sarili ko.

Sa bawat pagkatok at pagharap ko sa taong nasa likod ng lahat ng ito ay mistulang wala pa ring pinagbago ang nararamdaman ko. Nakangiting sinalubong ako ng babaeng nakasuot ng isang pormal na uri ng chiton tulad ng lagi niyang nakagawian habang nananatili pa rin ang malinis na kulay ng kaniyang buhok na gaya ng isang pinong abo. Mababakas pa rin ang pagiging sopistikada ni headmistress Fleroun sa kabila ng kaniyang edad.

"It's good to see you here, young man. Please, have a sit," alok niya habang prenteng naka-upo sa kaniyang swivel chair.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kaniyang opisina bago ako magtungo at umupo sa tapat ng kaniyang malawak na office table.

Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang papalubog na araw mula sa likurang puwesto niya. Mas gugustuhin ko na lamang pagmasdan ito hanggang sa mawala than to have a conversation with this weird old lady.

She still freaks me out.

I sighed in frustration before I focus myself on her. Tutal, ngayon lang naman kami maghaharap at magkakausap, susubukan ko na lang aliwin ang sarili ko tulad noong mga unang araw ko rito sa Olympus.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon