SAEKO
MAAGA kaming gumising upang maghanda dahil ngayong araw nakatakda ang pagsisimula ng pinakahihintay ng lahat-ang Carnival of Season. Nang makaligo ako at makapag-ayos ng sarili ay walang kagana-gana kong isinuot ang isang makulay na damit at maskara na natagpuan ko kahapon mula sa tapat ng pinto. Punung-puno ang mukha ko ng pagtataka dahil nakabalot ito ng bronze na wrapper habang walang nakasaad na anumang sulat o pangalan na sa akin ang ang bagay na ito.
Nalipat ang paningin ko mula sa katabi nitong golden scroll. Pansamantala kong sinuri ang lugar dahil baka may nakaabang dito at namali lang ng bigay. But the whole place is tormented by silence. There's nothing here except me and my soul. Hindi na ako nag-atubiling maghintay bago tinanggal ang pagkakabuhol nito. Bumungad sa akin ang malaking pangalang nakasulat ng Greek.
Napaismid ako ng itsura habang tinitignan ang sarili ko mula sa salamin. Masyadong makulay ito para sa disenyo ng strophion chiton. Hindi ko naiwasang pamulahan dahil medyo lumalabas ang kanang parte ng dibdib ko. I let a heavy sigh bago itinali ang mahaba kong buhok.
Dahil damit lang ang ipinamigay ay pinaresan ko na lamang ito ng high level na sandals. Mabuti na lamang ay kumpleto ang ipinamimigay na suotin ng Olympus Academe kaya hindi ako nahirapang mamili ng babagay sa akin. All my life, I've never wore a silly cloth like this. I already feel sick seeing myself. Tahimik akong napamura.
Hindi ko naiwasang kabahan habang tinatahak ang daan papunta sa malawak na field ng Olympus. Tulad ng inaasahan ko, naroon na ang lahat, naghihintay at maayos na nakapila mula sa sinag ng araw. Wala akong narinig o nakitang nagrereklamo. Mukhang nakisisimpatya rin ang panahon dahil hindi ito masyadong maalinsangan gaya ng mga nagdaan araw.
Nakita kong kumaway sa akin si Grace. As usual, matamis na naman ang mga ngiti nito habang naglalakad papalapit sa akin upang salubungin ako. Hindi ko naiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang pigura nito. Nakakahiyang sumama sa kanya dahil parang ang layo ng itsura nitong maaliwalas kumpara sa hatid kong nagdidilim na pakiramdam. Alanganin akong napangiti.
"I thought nag-back out ka na," hawak nito sa dibdib bago kami nagbeso. Awkward.
Pinilit kong magmukhang hindi napilitan sa harapan niya before I gave her a weak smile. "The most important thing is that I'm already here," labas sa ilong kong sagot.
Nagsimula kaming maglakad upang pumunta sa puwesto ng iba pang mga Alphas. Hindi ko sila masyadong nakilala lahat dahil may ilang nakasuot na ng kani-kanilang mga maskara. Napansin ko ring parang kami ang mas nangingibabaw dahil mas makulay ang suot namin mula sa mga Betas.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin pero parang may hinahanap ang akong tao. Nasaan kaya iyon? I can feel shallow longing for someone I couldn't find and realize. I know it's confusing at times like these but where's Deus? Parang siya lang ang wala?
Mula naman sa harapan ay nakita ko ang headmistress na busy habang kausap sina Professor Aesthena, Professor Harmonie, Professor Calculae, at Professor Toricx. Tulad ng sa amin ay hindi rin sila pahuhuli sa disenyo ng kanilang mga kasuotan. Chlamys para sa kanila samantalang himaton naman ang disenyo ng suot na chiton ni headmistress Fleroun.
Where's Professor Lucca? Parang hindi ko rin siya napansin.
Nalipat ang atensyon ng lahat nang makarinig kami ng malakas na tunog ng horn. Um-echo ito sa buong paligid habang naramdaman ko ang mahinang vibration nito mula sa puso ko. Sandaling nagkaroon ng katahimakan sa buong paligid, hudyat upang sa lipunin ang atensyon ng lahat.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasyStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...