DEATH GLARE

698 23 3
                                    

The old man frowned. He knew it wasn't just a simple leave. Paglapag niya pa lang ng mga papeles ay alam niya na ang dahilan nito.

"And what's your favor?" tanong ng matanda.

"I want you to grant my early retirement kapalit ng huling misyon."

Dahan-dahang pinatay ng matanda ang sigarilyo nito mula sa ashtray na gawa sa salamin. Asking for a favor from the old man was like exchanging your soul from a devil. It's too risky. But he needs to take the risk. Marami na siyang isinugal kaya't wala nang dahilan upang atrasan niya pa ito.

The old man smirked. "What if I won't?"

Mabilis naglabas ng baril si Devin mula sa kaniyang likod pagkatapos ay agad niya itong itinutok sa noo ng matanda. Bumukas ang pinto ng opisina at dito iniluwa ang limang kalalakihang Kano na may hawak na kaniya-kaniyang baril. Kaagad nilang pinalibutan si Devin.

"Please, leave us alone," kalmadong utos ng matanda.

"But, papa-"

"Leave," he said after giving them death glares. Not fully letting their guards down, ibinaba nila ang kanilang mga armas pagkatapos ay maingat na isinara ang pinto.

"We'll be watching around, kid," one of Papa's men warned.

The old man wasn't surprised. He was expecting this to happen. Sa tagal niyang nakasama ang binata ay kabisado na nito ang ugali at galaw ng isang mailap na anghel.

Tinignan niya nang diretsyo ang mga mata ni Devin. It was like he's telling him he's the death himself. Masyado itong malalim dahilan upang tangayin sila ng sariling mga titig.

Nakatutok pa rin sa matanda ang baril ni Devin habang nakataas ang kalibre. Anumang oras ay maaari itong pumutok. Isang maling galaw, his head might get busted by cold bullets. The old man shrugged pagkatapos ay napasandal mula sa malambot na swivel chair.

"You know you can't escape from this fucking mess kahit payagan pa kita. Other syndicates already laid their eyes on you simula noong lumabas at ipakilala kita bilang si Devin Cross. Now that you're retiring, do you think you can get away from this after what you had accomplished?" muli niyang saad trying to convince him if he can still change Devin's mind. Ngunit gaya nga ng sabi nito, kilala niya ang binata. Devin has a firm word and it's inevitable.

Ilang minutong nakipag-matigasan ng titigan ang binata mula sa matanda. After their exchanging looks, the old man finally broke the silence, defeated.

"Fine, I'll give your last mission. Wait for my call. After this, you're free to go wherever the fuck you want. You're free to book a trip even in Hell or Underworld."

Nang marinig ang gusto niyang marinig, mabilis ibinaba ni Devin ang hawak niyang baril pagkatapos ay muli niya itong itinago sa kaniyang likuran. Hindi na ito nagpaalam. Naglakad siya diretsyo sa pinto. Bago pa man niya pinihit ang malamig na sedura, muli niyang binigyan ng tingin ang matanda sa huling pagkakataon. He closed the door and left the office.

Nang makaalis si Devin ay agad itinapon ng matandang lalake ang mga bagay na nakalagay sa kaniyang office desk. Kaagad nitong inabot ang telepono mula sa maliit na lamesita malapit sa kaniyang puwesto pagkatapos ay nag-dial dito.

"Frame up that kid. Do everything to fail his last mission. Hindi siya puwedeng makaalis sa puder natin," may awtoridad niyang utos sa kabilang linya.

"Okay, Papa."

Padabog niya itong ibinaba. He sighed in frustration. He can't lose Devin. Hindi niya hahayaang mapunta lamang sa wala ang lahat gayong marami na siyang naisakripisyo rito.

Bumunot siya ng isang sigarilyo mula sa kaha. Sinindihan niya ito pagkatapos ay malalim na umihip at napabuga ng usok.

"You can't get away from me, angel. Not from Papa. Not from Mr. Hawkins," he said as he glared at the door.

---

Please support my newest action story, Death Glare. Visit my profile and add my story to your library. Thank you!

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon