Chapter 15: Count In

2.7K 127 5
                                    

SAEKO

MEDYO maalinsangan ang panahong sumaklob sa balat ko nang mapadaan ako sa malawak na kapatagan ng Olympus Academe. Nakakapaso at tila nagliliyab ang liwanag na nagmumula sa araw. Wala rin akong makitang Olympians. Marahil ay ayaw nilang mainitan.

Mula rito ay kitang-kita ko ang malawak na kabuoan ng paaralang minsa'y nahusgahan ko dahil sa mga bali-balita at sabi-sabi galing sa labas. Simula nang lumapat ang aking dalawang paa rito ay mismong sa lugar na rin ito nagsimulang magbago ang lahat para sa akin. Mga pananaw at adhikaing walang tigil sa pagliliyab. At ngayo'y heto ako. Isang ganap na Olympians at saklaw ng relihiyong hindi ko maatim na paniwalaan.

Ano pa nga ba ang pinagkaiba ko sa kanila?

Napaupo ako mula sa nakapapasong lupa. Ramdam ko ang pagsingaw nito na tumatagos mula sa paibaba papasok sa suot kong chiton.

"Kamusta na kaya ang lugar namin?" I whispered. Nagsimulang sumilab ang pangungulilang biglag pumaso kasabay ng liwanag mula sa araw.

Nang makakita ako ng isang kapirasong sanga ay pinulot ko ito bago dahan-dahang gumawa ng mga simpleng linya.

Ang bahay ko. Ang maliit na bayang pinupuntahan ko. Pati ang favorite spot ko.

Nagbalik tanaw ako sa lahat ng ito. Hindi ko naiwasang magpunas ng mga luhang pumapatak habang humahalo ito sa tagaktak na pawis paibaba sa mukha ko.

Gustong-gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Gusto ko nang bumalik sa totoong pakiramdam ng buhay. Gusto ko na muling mamuhay ng walang pangmamata nino man.

Kasabay nitong tinangay at binura ng hangin. Ang dating simple kong pamumuhay, ngayo'y isa na lamang purong alikabok.

Wala sa sarili akong napahiga kahit pa patuloy akong napapaso sa simoy ng init ng lupa. Kahit pa nakasisilaw ang dala ng araw, hindi ito naging hadlang upang ipagkait sa akin ang asul na kalangitan. Ang makakapal na ulap na nagsisilbing bubong at lilim ng piling mga lupa. Ang hanging humahampas sa balat ko, hindi ko mawari kung may katabi ba akong apoy o wala.

Tunay ngang maalinsangan ang buhay.

Nakaramdam ako ng ilang patak ng tubig na tumatama sa aking balat at mukha. Napakurap ako ng tingin dahil dito.

Umaambon?

Agad akong napagising ng mapansin ko ang mabilis na pagbabago ng kanina lamang ay nakakalusaw na panahon. Iniisip ko kung nalingat ako ng tulog. Pero sa pagkakatanda ko ay halos maglilimang minuto pa lang ang itinatagal ko rito.

One thing I realized. And that's the man who's standing in front of me.

Deus?

I can tell it's him kahit pa medyo malayo ang pagitan namin sa isa't isa. How can I forget his brown hair that always sways whenever the wind gods blew. His chivalry-like-posture that every woman count is undeniably perfect. It's him.

I saighed.

He started to reach me kasabay nito ang muling pag-urong ng isip ko thinking na may malaking kasalanan ako sa kanya kahit pa wala naman akong ginawang masama other than escaping and being late in my first class.

Fuck! I screamed in my mind.

"What are you doing here?" poker faced kong tanong.

I hope it works. I secretly crossed fingers.

He smiled. Pero iyong ngiting parang nang-iinis. "Isn't it obvious that I'm here because you're alone?"

I knew it!

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon