Chapter 44: Cautious

1.7K 79 8
                                    

SAEKO


AKAY-AKAY ako sa balikat na inalalayan ni Vina nang makarating kami sa mismong hallway ng Olympus. Ilang beses kong tinanggihan ang pag-aalok niya ng tulong. Ngunit mukhang masama ang pagkakabagsak ko mula sa lupa dahilan upang maapektuhan nito ang tuwid kong paglalakad.

Ilang Cynocephalus at House Nymphs ang sumalubong sa amin. Ngunit ang talagang mas nangingibabaw sa aking paningin ay ang ngayo'y hindi mapalagay na itsura ni Headmitress Fleroun. She's wearing her usual confused and concerned expression whenever I commit stupid and dumb things that triggers her angst.

"Is there anything happened? Bakit ka inaalalayan ni Vina?" Napakamot ako ng batok nang agad kami nitong sinalubong ng tanong.

"At bakit ngayon lang kayo? Haven't I reminded you to go back before the constellations appear?" I rolled my eyes in annoyance bago ito naglipat ng tingin kay Vina, naghihintay ng sagot.

Pinadaanan ako ng tingin ni Vina. It's like she's asking a permission kung sasabihin niya ba ang nangyari sa amin, particularly sa akin.

"Uhmm.." Vina teased, making the problematic lady raised an eyebrow.

"May nagtangka-"

"May natisod lang akong ligaw na ugat," I alibied out of nowhere. "Medyo padilim na rin kasi sa gubat."

The Headmistress waited a confirmation from Vina. Napatango naman ito at tila sumang-ayon sa sinabi ko.

"Okay," she responded with a little convincing tone. "Just fix yourselves before you enter the dormitory. Maaga ang start ng orientation at training niyo bukas so take some enough long rest at huwag na kayong gagawa ng kalokohan. Siguro naman ay sapat na ang nakuha niyo mula sa akin right, young man?" It doesn't sound like a clarification but an accusation. Napilitan akong mapatango bago pasikretong napabulong dahil sa pagkayamot.

Tuluyan na kaming iniwan ni Headmistress Fleroun at ipinaubaya mula sa mga kamay ng maidservants at butlers. Napagpasyahan na naming maghiwalay ni Vina bilang hindi naman magkahanay ang aming dormitories. Dala-dala ko ang ilan sa mga gamot na ibinigay sa akin ni Holyne nang mapadaan kami Infirmary. Dalawang pills iyon na mayroong kulay ng pula at asul.

Agad akong dumiretsyo sa palikuran nang makarating ako sa aking kuwarto. I let my chiton fell on the floor at pinabayaan lamang iyon. I'm currently staring myself from the mirror. Nakabukas ang maliit na faucet at tanging ito lamang ang maririnig sa bawat sulok ng lugar. Sabay kong nilunok ang dalawang pill, not minding Holyne's warning about the various side effects of these. Sumalok ako ng tubig mula sa nakabukas na faucet ng sink pagkatapos ay uminom dito. Kung gusto kong makahabol sa training bukas ay kailangan kong gumaling ngayong gabi.

My body started to get numb as I've felt a little pit in my stomach. Awtomatikong nanghina ang mga tuhod ko dahilan upang mapahiga ako sa malamig at basang tiles ng palikuran. The dosage seems very effective and rapid as what Holyne's said. The numbness slowly manifested through my every veins as it turned out to be very heavy and crazily painful. The drugs are unbearable. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa katawan ko.

Hindi biro ang dosage na nagsi-circulate sa sistema ko. Anumang oras ay tila mapupunit na ang laman ko dahil sa epekto ng mga gamot. Nagsimula akong maghabol ng hangin mula sa baga ko. Unti-unting nanuyo at sumikip ang lalamunan ko. There's nothing more deadlier than losing your own breath, helplessly.

"Ahrrrg!" I shouted at the torment between my clenching teeth. Alam kong sa mga oras na ito ay tuluyan na akong napasailalim ng gamot. I wish I could shutdown my senses. Nanatili akong nakahiga at hindi gumagalaw. Lumipas ang higit sampung minuto bago ko naramdaman ang panghihina ng gamot. Muli akong humugot ng hininga bago dahan-dahang bumigat ang dalawang talukap ng mga mata ko. Gusto ko na lamang matapos ang lahat.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon