Chapter 28: Astral Fortress

2.1K 112 4
                                    

SAEKO

BUMUNGAD sa akin ang malapad ang ngiti ni Theodore. Pinasadahan ko ito ng tingin mula taas-pababa. Medyo tinindigan naman niya ang tayo dahilan upang ikataas ko ng kilay. Katulad ko ay nakasuot din siya ng magarang puting tuxedo. Napansin kong wala itong suot na helmet kaya mas lalo lamang lumabas ang pakpak nitong tainga. Pero other than those oddities, he seems nice from the usual Theodore that always diffident with his peculiriaty.

"Let's go?" alok niya ng kamay sa akin. Hindi ko siya sinagot at dumiretsyo lamang ng lakad habang nakapamulsa. Naramdaman kong sumunod ito sa akin.

"Wala ka bang sasabihin man lang sa suot ko?" bakas sa tono nito ang disappointment. I took a glance at him.

"You look good, chicken boy," I mocked. May hanging mabilis na humampas sa akin. Basta pagkurap ko ay nasa tapat ko na siya.

"That's all?" he grunted. I just shrugged.

"Saeko!" tawag niya sa akin. Tahimik akong napatawa. Pero nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ang kulit niya talaga.

Nakarating kami mula sa likurang bahagi ng Olympus Academe. It's a fire exit wherein tanging hagdanan lamang na gawa sa marmaros ang daan upang makarating ka sa sinasabing Astral Fortress. Dito talaga namin balak dumaan dahil ang main entrance papunta roon ay para lamang sa mga Silvers at High-class Reds. Again, sumusunod lang kami sa order ni Professor Lucca. Saka maganda na rin sigurong dito kami dumaan dahil hangat maaari ay iniwasan naming makilala kami at sa amin mapunta ang atensyon ng lahat. Mahirap pa namang gumalaw kapag maraming mata ang nakatingin sa iyo.

Ramdam ko ang panglalamig ng dalawang kamay ko habang nakahawak sa marmol na staircases. Kumpara sa main entrance hall ay medyo matarik ang daan dito. Napansin kong may ilang bitak na rin akong naaapakan kaya hindi ko maiwasang tumigil at mapamura. Halatang libu-libong taon na rin ang inabot bago muling magamit ang daanang ito.

Nang marating namin ang single door na siyang pangalawang entrance ay si Theodore ang naunang pumasok. Narinig ko ang pagtawag nito sa akin. Pero pinauna ko na lamang siya dahil gusto ko pang damdamin ang malamig at preskong hangin sa labas. Bago ako humarap sa lahat ay sisiguraduhin ko munang mababawasan ang mabilis na pagkabog ng nasa loob ng dibdib ko.

Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga. Mabilis hinahawi ang buhok ko dala ng hangin dito sa itaas. Mula rito ay kitang-kita ko ang masisiglang ilaw na nagmumula sa labas ng Olympus. May mga magagarang sasakyan din ang patuloy na umaarangkada galing sa kabilang side ng gate. Sigurado akong lulan ng mga iyon ang mga taong may matataas na posisyong ginagampanan sa lipunan.

Napatingala ako sa itaas upang maghanap ng mga bituin sa kalangitan. Ngunit bigo ako nang makakapal na ulap ang ngayo'y nakalutang at umu-okyupa sa paligid. Nahihiyang nakasilip naman ang kalahating mukha ng buwan mula roon. Nalipat ang atensyon ko sa malaking rebulto ng isang babaing may hawak na pana at may katabing usa at aso na para bang sinasabayan ito sa pagtakbo. Kung hindi ako nagkakamali ay si Artemis iyon. The goddess of moon, haunting, woodlands and wild places.

Napansin kong bawat lugar dito ay may nakatayong matayog na rebulto ng mga gods and goddesses. Hindi ako sigurado kung sinadya talaga itong ipatayo sa mga lugar na angkop sa kanilang mga pinangangalagaan at pinamumunuan. How cool, right?

Nang tuluyan na akong naging kalmado ay napagpasyahan kong pumasok na dahil mula rito sa kinatatayuan ko ay unti-unti ko nang naririnig ang mga ingay ng tao. This is it, Saeko. I took a deep breathe before stepping my right foot inside the door.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon