Chapter 22: Preparations

2.1K 107 11
                                    

SAEKO


KINABUKASAN. Agad bumukas ang mga mata ko nang maagang dumating si Holyne. Tulad ng inaasahan ko ay naging easy access ang pagpasok nito mula sa pinto. Akala ko'y siya lang mag-isa. Pero bahagya akong nabigla nang mapansin kong hindi lang siya ang naririto kundi may kasama siya. It's Arth. I raised an eyebrow while giving him a confuse look.

"We're here to remove your bondages," he said sounding so defensive.

Inirapan ko ito. "I can do this on my own," sabi ko, pero parang wala siyang narinig.

Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod at magpatianod sa mga pangyayari. Nagsimulang tanggalin ni Arth ang pagkakabuhol ng benda habang si Holyne naman ang umaalalay sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang dumampi ang sariwang hangin mula sa balat ko.

Mistulang naging propesyonal sa paningin ko si Arth kasama nito ang nagsisilbing tapag-alalay niyang si Holyne. Pansin kong mukhang alam na alam niya talaga ang ginagawa niya. Hindi na ako magtataka pa kung bakit hindi sila kumukuha ng professional healer bilang staff nila rito. Muntik ko ng makalimutan. This is Olympus Academe. A place where every silver and gold-blooded enhance by their very prestige and powerful system. Ito ang paaralan na lumilinang sa mga katulad kong nabiyayaan ng kakayahan upang magamit ng tama sa mga bagay na posibleng kailanganin pagdating ng panahon.

Dumating sa parte ng mukha ko ang kamay ni Arth. Ramdam ko ang init na nagmumula sa balat niya. Bahagyang nagtama ang tingin namin mula sa isa't isa. Hindi niya naiwasang mapangiti habang inaalis ang huling benda sa mukha ko.

"What's so funny?" naiinis kong tanong.

Napailing ito. "Nothing," giit niya.

"Then stop smiling," I said.

He just shrugged-still wearing those fucking expression. I rolled my eyes. Minsan, hindi ko sila maintindihan. They all have that same make faces that giving me annoyance.

It took 20 minutes before the last bondage removed from my face. It feels strange having bondages for three days. I feel shit. Naiisip ko tuloy na para bang pansamantala akong namatay pagkatapos ay ngayon lamang muling naramdaman kung paano mabuhay-huminga. Napansin kong unti-unting nilamon ng liwanag ang hawak ni Arth na mga benda bago ito naging usok at sumama sa hangin palabas ng bintana.

"Do you feel completely okay now?" asked Holyne while checking my skin.

Tabingi akong napangiti bago napatango.

"I feel alive."

Hindi na sila nagtagal pa dahil tulad ko'y may kailangan din silang tapusin. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay hindi na ako nag-abalang magsuot pa ng damit. Agad akong dumiretsyo sa banyo upang doon tuluyang makapaglinis ng buong katawan. Ilang araw akong hindi naligo kaya't natural lamang sa akin na makaramdam ng panglalagkit.

Nagtagal ako ng twenty minutes sa paliligo at pagkukuskos. Nang matapos ako ay mabilis kong kinuha ang chiton na nakalagay sa isang puting aparador pagkatapos ay sinuot ito tulad ng lagi kong nakagawian.

"Congrats. Now you're an underdog.. again," I said to myself while staring at the mirror.

It's already 6:54 in the morning and I haven't still ate breakfast. Wala nang oras. Agad akong dumiretsyo sa right wing upang tahakin ang direksyon sa pinakamalapit na daang puwedeng makapagdala sa akin ng mas mabilis.

"Wait," I said bago umatras at balikan ang nalagpasang bagay na nakapukaw ng atensyon ko.

Bumungad sa akin ang ilang house nymphs na tulong-tulong sa paglalagay ng mga makukulay na bandiritas mula sa itaas. Napansin kong may ilang bagay ang lumilipad at para bang naging disenyo na ito mula sa mga sulok at gilid. May mga nakaikot ding makukulay na tela mula sa mga plain coloured columns. Awtomatikong naningkit ang dalawang mata ko.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon