Mist:
im @ heavy dose of school paperworks! sorry for the super late update.
SAEKO
IT'S been three weeks since Professor Lucca salute us for the successful Grande Celestial Ball. Nagkaroon kami ng kaunting pagsasalu-salo kahapon. Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin ako nakaka-move on. Maya't maya pumapasok sa isip ko ang lahat ng mga nangyari mula noong parade hanggang sa pagkikita namin ni Gaston noong gabing magharap kami at muling nagkahiwalay. Those unsure promises. Kahit ilang linggo na rin ang nakalipas, parang sariwa pa rin itong sugat na nanunuot sa kalamnan ko.
†
"What happened? Are you okay?" pang-bungad na tanong sa akin ni Deus nang sinalubong ko sila ng walang emosyong ipinapakita. They're all here. Nanatili akong blangkong nakatingin sa kanya trying to swallow all the truth. Mas lumapit pa ito sa akin upang bigyan ako ng isang mainit at mahigpit na yakap. I can almost hear his heartbeats rushing through his rib cage, and that gives me chill.
Matamlay akong napatango bago sumagot. "I-I'm perfectly fine. I'm j-just.. tired."
Narinig kong napatikhim si Jhuno. I know it's her because of her familiar mannerism. "Who's that guy? Why is he running? Bakit parang may tinatakasan siya?" sunud-sunod niyang tanong. Humugot ako ng paghinga pagkatapos ay sinubukung ilihis ang paningin mula sa kanya.
"It's just a false alarm," I simply said. Ngunit mukhang hindi siya kumbinsido nang muli siyang magtanong.
"Why didn't you tell us? Are you trying to hide something from us?" Umiling ako.
"Then tell us what happened!" napalakas niyang sabi. In a snap, parang may umakayat sa ulo kong isang napakainit na pakiramdam. My jaw automatically clenched as I leapt her neck using my black hollows. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noong mha panahong iyon. I just feel I needed to that because I'm so much exhausted, stressed and fucked out.
"SHUT UP! SHUT UP! SHUT UP! SHUT UP! YOU DON'T KNOW EVERYTHING!"
Sinubukan nila akong pigilan ngunit mas nangibabaw ang bugso ng damdaming lumalason sa natitirang ulirat ko. Nang marinig kong parang kinakapos na ito ng hangin ay doon ko napagpasyahang bitawan siya. Mabilis itong naghabol ng hininga habang hawak-hawak ang leeg niyang mayroong bakas ng matinding pamumula at pamamaga. Sinamaan niya ako ng tingin bago nanginginig na itinuro. It's like she's cursing me to death.
"Y-You're a l-living m-monster," naghahabol ng hininga niyang akusa sa akin. Hindi ko na nakayanan ang matinding emosyong sumaklob sa pagkatao ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanila.
"Saeko, wait!" tawag sa akin ni Grace. Ngunit naging barado ang tainga ko sa mga oras na iyon at hindi ko na sila nagawang lingunin pa habang patuloy pa ring tumatakbo pababa sa Astral Fortress.
Naramdaman kong sumunod sa akin pababa sina Grace at Deus. Rinig na rinig ko ang malalakas nilang sigaw sa pangalan ko, pero mas binilisan ko lamang ang takbo papunta sa Right Wing kung saan dito ko natagpuan ang dorm ko. Agad akong tumagos sa pinto nang tuluyan na akong makapasok sa aking kuwarto. Sinalubong ako ng kakaibang dilim nito dahil nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang liwanag ng buwan galing sa maliit na bintana ang nagsisilbing pansamantala kong natural source of light.
Hinayaan kong lamunin ako ng dilim sa sulok habang pinakikiramdaman ang halos mayanig na pinto dahil sa kanilang dalawa. Nanginginig kong sinapo ang mukha ko bago lakas loob na sumigaw mula sa kabilang pinto.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasiaStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...