SAEKO
Nilagpasan ko lamang ng lakad si Vina pagkatapos ay dumiretsyo ng daan palabas ng gate. It's the least I can do. Ayokong malaman ang dahilan kung bakit hindi si Deus ang makakasama ko sa paglabas papunta ng Bayan. Narinig ko ang malakas na pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip, mas inintindi ko na lang ang daan patungo sa aming destinasyon.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin ngunit agad ko rin itong dinedma at nagpatuloy sa paglalakad. Aakto na lamang ako na sarili ko lang ang kasama ko sa paglalakbay na ito. Siguro, kung si Deus ang naririto ay baka ganito rin ang ginawa ko. Ang kaibahan lamang ay walang susuyo sa aming dalawa.
Nalingat pansamantala ang atensyon ko nang mapansin si Vina. Tahimik itong kumakain ng isang lapad na tinapay. My stomach automatically complained that it even made a disturbing sound. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Vina na agad kong ikinainis dahil sa malapad niyang pagngisi.
"What's so funny?" I blurted out, slightly annoyed.
Inabot niya sa akin ang tinapay na may kagat mula sa kaniya. Pinagmasdan ko ito bago inirapan. Napataas ang kilay niya dahil sa inasal ko.
"Why? Hindi ka ba nagugutom?" may halong pang-iinis sa tono niyang tanong. "Kunin mo na. Nahiya ka pa, eh," Vina added.
I sighed. "Kaya kong kumain nang hindi nagmumula sa iyo," sagot ko right through her face. Nagkibit balikat lamang ito pagkatapos ay itinuloy ang pag-nguya.
"At saan ka naman makakakain? Malayo pa mula rito ang Bayan."
Kung kanina ay malapad ang pagkaka-ngisi niya, mukhang pagkakataon ko naman upang gawin iyon sa kaniya. Mabilis akong nagpalinga-linga sa buong paligid. Kasalukuyan kaming nasa gubat kung saan isa ito sa mga dinaraanan kung gusto mong hindi malusaw sa init papuntang Olympus. Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang lugar na ito dahil minsan na akong napadpad dito nang mapagpasyahan kong maghanap ng sariwang olive upang ibenta sa Bayan bilang isa ito sa pangunahing produksyon sa lugar namin.
Nag-uumapaw ang pagtatakang sinundan ako ng tingin ni Vina, wari'y naghihintay sa kung ano ang susunod kong hakbang. Sakto namang may nakatayong puno ng mansanas sampung hakbang mula sa puwesto namin. Agad kong tinansiya ang laki at taas ng naturang puno bago napagpasyahang lumapit dito.
"Saeko? Where are you going? Hindi riyan ang daan papunta sa Bayan."
Hindi ako tumugon sa sinabi ni Vina. Pansamantala kong pinakiramdaman ang magaspang na balat ng puno. Wala akong naramdamang anumang uri ng sakit maliban sa mumunting kiliti na ibinigay nito mula sa aking kanang palad. Napahugot ako nang malalim na paghinga bago itinuon ang buong pansin sa medyo may kalakihang sanga ng mansanas. Mamula-mula na ang mga prutas na ito nagpapahiwatig na hinog na at puwede ng kainin.
Bago paman ako mamatay dahil sa matinding pagkagutom, nag-ipon ako ng sapat na pressure gamit ang aking mahahabang binti. Humugot ako ng malalim paghinga pagkatapos ay tinalon ito at inabot ang pinakamababang sanga. Mabilis kong naramdaman ang kakaibang gaspang nito na mistulang gumasgas sa aking palad. I swing my body back and forth before I tossed myself through the high air. Pasikreto akong napangiti nang makuha ko ang tamang balance ng pagkakatayo mula sa sanga ng puno. Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang reflexes ko despite of me being isolated to that hideous place for months.
"How the hell?" Vina mouthed kahit hindi ko ito direktang narinig.
Pumitas ako ng isang mansanas bago prenteng sumandal sa katawan ng puno. Kumagat ako sa hawak kong prutas pagkatapos ay tinitigan ang dalaga mula sa ibaba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natitinag sa pagkakatulala.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasiStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...