MABIGAT ang buhos ng ulan habang sinasabayan nang malalakas na kulog at nakangingilong kidlat ang patuloy na yumayanig sa labas ng kaharian.
Normal na ito kung ituring ng mga nilalang mula sa Underworld. Sa tuwing sumasapit ang gabi ay tila senyales na iyon upang ihanda ang kanilang mga sarili para sa nakaambang delubyo.
Walang araw na hindi nagkaroon ng matinding suliranin lalo na ang mga naninirahan mula sa labas ng kaharian. Tila wala silang karapatang magreklamo alinsunod sa kanilang sariling Diyos na siyang naghahari.
Mula naman sa loob ng napaka-lawak na kaharian ay doon matatagpuan ang mahimbing na natutulog na si Hades.
Malambot at malawak ang higaang gawa sa balahibo ng mga halimaw na kaniyang napaslang ang sumasakop sa kalahati ng kuwartong kaniyang kinalalagyan kung kaya't kahit magsama siya rito ng higit sa sampu ay paniguradong kakasya sila.
Taimtim lamang itong nakahiga habang maririnig ang kaniyang paghilik na tila musika sa pandinig ng babaeng tahimik lamang siyang pinagmamasdan. Kahit pa halos abot kamay na niya ang lahat ng gugustuhin niya ay mukhang malalim pa rin ang iniisip ng Reyna at nag-iisang Diyosa ng Underworld na si Persephone.
Dahan-dahan siyang tumalikod mula sa puwesto ng kaniyang Hari habang maingat niyang iniayos ang kumot na nagsisilbing panakip mula sa kahubaran niya.
Hindi naiwasang mapakagat ng ibabang labi si Persephone dahil sa unti-unti muling pagkabuhay ng matinding emosyong lumalason sa kaniyang puso nang buo. It was a rugged pain she could barely feel. She know she's been rough to her husband ever since she got abducted and isolate her in his own world. But as soon as she found out that Hades has an affair, not with some other goddesses or nymphs but, to a mortal.
Persephone's still in the amidst of seeking, still figuring out whose the predator behind her prey. But one thing she puts into her oracle; the sooner she'll hunt, the faster she kills.
She lifted her righ hand. Lavander flames started to circulate around it forming a blury image of a human with white and long silky hair. Little did she know that it was the mistress of the Underworld, the one with an Alpha blood.
It was Saeko...
†
Napabalikwas nang bangon si Saeko mula sa kaniyang higaan. Alas tres pa lang nang madaling araw ngunit tila marami na siyang nagawa dahil sa matinding paghingal. His face turned sticky the moment he felt a cold sweat dripping down from his face.
Mabilis siyang nagpalipat-lipat ng tingin habang hinanap niya kung may bakas ba ng dalawang maiinit na pares ng mata ang pasikertong nanonood sa kaniya. He wants to believe that he's just being paranoid, but his intuition seems asserting in a way na parang ito na lamang ang puwede niyang pagkatiwalaan sa pagkakataong iyon.
Hindi na bago sa pakiramdam ni Saeko ang biglaan na lamang nagigising sa madaling araw. In fact, dapat sa mga oras na ito ay ipinagpapatuloy na niya ang naudlot na pagtulog. Whenever Saeko called it a day, he never really wanted to sleep. But this time, it confusingly felt raw and real for him.
His anxiety and nightmares, disguised as his inner demons, were always been so terrible and murderous to him. Saeko didn't want the feeling to be hunt for the rest of his miserable life. Kung puwede niya lamang pakiusapan ang Diyos ng panaginip ay baka maging patron ito na deboto.
Dumating ang umaga bago siya inabot ng liwanag. Mula nang magising siya ay nanatili lamang itong dilat habang nakatingin sa puting kisame ng kaniyang kuwarto.
Tumingin siya sa mamahaling orasan na pag-mamay-ari ng Olympus. It's 5:58 in the morning at halos mag-a-ala sais na pala which is the usual time for him to wake up. Mayroon pa siyang thirty minutes para maghanda sa kanilang umagahan mula sa Breakfast Hall.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasyStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...