SAEKO
PAULIT-ULIT akong nagmura habang naglalakad papunta sa isang malapit na ilog. I took several heavy sighs before I found the spot I am looking for. I sat down near the big rock and started to curse again. Nakakainis! Why does he need to do this!? Bakit sa dinami-rami nang puwede niyang kausapin at alukin ay ako pa!? Gano'n ba kababaw lahat ng mga pinagsamahan namin kaya gano'n na lang niya ito kadaling kalimutan. Is it necessary to ask for a closure? Because I can honestly move on without it.
Hindi ko naiwasang makardam ng sundot sa puso. Mabilis lumitaw ang mga black hollows mula sa lupa pagkatapos ay tumusok ito sa isang kalapit na puno dahil sa talim at nipis na hugis ng mga ito. Agad kong pinunasan ang pagpatak ng mainit na tubig mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang pag-uumapaw na enerhiyang dumadaloy sa buong katawan ko. Kapag kasi nakararamdam ako ng mabigat na emosyon ay hindi mapigilang lumabas ng kapangyarihan ko. Ngunit mabilis ko naman itong nakokontrol dahil tuwing nalalagay ako sa ganitong uri ng sitwasyon ay idinadaan ko na lamang sa pagsasanay. Kahit na masakit sa loob ko ay nagagamit ko naman ito para protektahan ang aking sarili.
Using my black hollows, I created a small black knife pagkatapos ay inilagay ito sa kanang palad ko. Nangingintab iyon tuwing natataman ito ng sinag mula sa araw. Out of my frustration, lumikha ako ng guhit sa kaliwang palad ko. Napasinghap ako nang rumehistro sa akin ang kakaibang uri ng pakiramdam. Masakit. Hinayaan kong tumulo ang sariling dugo, na kulay ginto, papunta sa lupa.
Maybe if I let myself bleed, it might help me lessen the pain that suffers me inside. Kailangan kong maibaling ang atensyon ko sa pisikal na pakiramdam dahil ayokong masaktan sa kalooban.
Naglikha ng manipis na ingay ang paghagis ko ng maliit na kutsilyo mula sa kinauupuan ko. Alam kong tumama iyon sa isa pang puno base na rin sa nilikha nitong tunog. Aside from this kind of skill, I can also do some other stuff. Pagdating naman sa mga armas ay may mangilanggilan din akong kayang likhain. Limited but can still be an advantage kung kakailanganin sa oras ng pangangailangan.
"Who's there?" I asked bago ako naging alerto sa buong paligid.
"I'm warning you. Don't let me use these things against you."
Nagpalabas ako ng tatlo pang daggers na nakatago sa mula likurang bahagi ko. Hindi rin natagal ay lumabas ito mula sa puno kung saan ko inihagis ang maliit na kutsilyo.
"Easy, Saeko. It's just me," nakataas ang kamay na sabi ni Gaston habang kapansin-pansin ang mga nakapaligid at namumuong mga butil ng pawis sa kaniyang noo.
"How the hell did you know I'm here?" mapait kong tugon, not letting my guards down.
"Alam kong dito ka lagi pumupunta kapag gusto mong makapag-isip nang tama. And as far as I can remember, didn't you told me noong panahong nalaman mong sumali ako sa Mercurie?" he blurted out as if it was not a big deal to mention.
Shit. All I can say right now is shit.
Hindi ko namalayang unti-unting natunaw ang hawak kong dagger. Muli itong nag-liquify kasabay nito ang pagsipsip ng lupa papunta sa ilalim.
He caught me.
Kahit ilang buwan, taon o dekada pa ang lumipas, hanggang ngayon ay mistulang tubig ito na nagpapakalma sa akin sakaling mag-alab ako sa galit. Siya lang ang tanging nakagagawa sa akin ng ganito. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang malamig na hamyos ng boses niya ay tila labis ang nagiging epekto nito sa akin. He's like a drug that makes me high and calm. And I hate it for it's becoming my addiction!
I rolled my eyes bago muling umupo. Wala na akong magagawa at wala na rin akong pakialam kung piliin niyang samahan ako ngayon. Basta gusto ko ng malawak na distansiya tulad ng kalangitang tahimik lamang nagmamasid mula sa itaas.
BINABASA MO ANG
Olympus Prime
FantasíaStatus: Editing Saeko is a living agnostic under the Silver and Golden age where gods and goddesses do exist. His persona doesn't agree for this kind of myths and those who give oracles to the world that were not wise enough to seek into his own for...