Chapter 19: Gossips

2.4K 154 55
                                    

"ARE you sure about this?" tanong ng isang lalaki mula sa kausap nito.

Ilang segunda ang tinagal bago nakasagot ang babaing nakatalikod. Alanganing napabuntong hininga ito.

"Yes."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang lalaki mula sa nakuhang sagot sa babae. Kapansin-pansin ang panginginig nito habang nakatayo.

"What if malaman ito ng headmisstres? What if we get caught!? What if parusahan tayo!? Or worse, baka ipadala niya tayo at itapon sa Bane's World!"

Biglang napaharap ang kausap nitong babae. Kita sa sariling mga mata na punong-puno ito ng kagustuhang maaaring mag-uwi sa kanila sa kapahamakan. "For Zeus' sake! Be a man! Hindi tayo mahuhuli kung walang aamin!"

"I don't think we can do this," sabat naman ng isang lalaking tahimik lamang nakikinig mula sa isang sulok. Ngayon lamang ito nakisali sa usapan ng dalawa. Maging siya'y mukhang hindi rin kumbinsido dahil sobrang mapanganib ang gagawin nila. Mistulang nakasugal ang kani-kanilang buhay mula sa mga sinulid ng The Fates.

Kita nila ang marumjng hangarin nito mula sa dahan-dahang pagkurba ng magkabilang labi nito.

"Well, then if we can't make this in good way, maybe I'm gonna try to drag you both to the bad way."

Bago pa man sila makapagpalabas ng sari-sarili nilang mga mana, agad pinasukan ng itim na usok ang kani-kanilang mga bibig, ilong, at tainga. Mistulang matapang itong lason dahil sa bilis ng epekto. Ramdam nilang humalukay ito mula sa kaibuturan ng kanilang ulo pababa sa kanilag talampakan.

Napuno ng ungol ang bawat sulok ng kuwarto. Mga ungol dala ng pagdadalamhati. Sa isang iglap, napailalim sila sa matinding kapangyarihan nito.

Walang kasiguraduhan kung kailan mangyayari ang dapat mangyari. Ano mang oras, araw, at Linggo ay posibleng maisakatuparan ang binabalak na pag-angkin sa kapalarang iginuhit ng mga tala sa mula sa kalangitan.

Tadhana nga ba ang mismong makapagsasabi ng lahat?

O ang kapalaran ang magtatapos sa lahat?


SAEKO

Thirty minutes pa lang ang itinatagal namin ay halos mangatog na ako dahil sa pagkabagot. Maya't maya akong dinadalaw ng hikab.

And it's fucking annoying!

"Kaylangan mo lamang pagaanin ang pagkakahawak mo sa panulat. Siguraduhin mong hindi sosobra ang paglapat ng tinta mula sa likurang bahagi ng scroll upang maiwasan ang dahilan ng pagkapunit nito," detalyado niyag paliwanag.

Napatango ako.

"Isipin mong ikaw ay malaya. Sa bawat galaw at indayog ng iyong kamay ay sumisimbolo sa kung gaano kalawak ang posible mong marating kapag ikaw ay nagpatuloy. Hangga't may tintang na pumapatak at nagmamarka, kalakip nito ang hangaring sa wakas ay nalagpasan at napagpasyahan mong iwanan ito upang ituloy at magpatuloy," makahulugang saad niya.

Hindi ako sigurado kung para sa akin o para sa kanya ba iyon. I supposedly make it motivational even if it's hard for me to believe like I'm the kind person that easily be fooled by their mere words. Bullshit!

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon