Chapter 25

159 8 6
                                    

Chapter 25: Pwede bang...?

Seraphina's POV

Friday na ngayon and time really flies fast. Lumipas ang dalawang linggo. Mas naging close kami ni Zack. Minsan hinahatid sundo niya ako, minsan naman kasama namin siya mag lunch with my girls and Jin's fiance. Minsan nga tinatanong ako ni Kuya kung nililigawan daw ba ako ni Zack. Syempre ang sagot ko kay Kuya, no. Kasi yun yung totoo.

And parang feel ko nga, totoohanin niya yung sinabi niya nung nasa tagaytay kami. Na, he will take it slow. At ito pa pala. Minsan may dala siyang flowers and chocolates. Parang manliligaw lang. Pero sinasabi ko naman sa kanya na he don't have to do that kasi we're friends lang naman.

Ang sasabihin niya lang naman. 'I don't care. Masamang bang bigyan ng flowers and chocolates ang isang kaibigan? Hindi naman diba?' Yan ang sasabihin niya. Pero alam niyo guys, crush ko na siya. Sa sweet niyang yun? Hindi ko nga in-expect na ganun pala yun eh. Kaya ayun hindi ko din in-expect na mamaging crush ko siya. Crush lang ah! Walang other feelings katulad ng like or love. That's a no no no.

And one thing. Bumalik nanaman ang secret admirer ko. Si 'My King. BFZ' diba bongga? Nagbabalik siya. nung nakaraang linggo kasi nakatanggap ako ng chocolates sa locker ko. May sulat pa nga, ang sabi 'My Queen, this is for you. I know you love sweets. Enjoy those chocolates. Taker care My Queen. From Your King BFZ.' diba memorize ko?

Hindi ko nga alam na may nakakaalam pala na mahilig ako sa sweet eh. Siguro stalker ko na talaga siya. Nakikita niya siguro akong laging kumakain ng chocolates tuwing break. So ayun nga. Araw araw na yun. Kundi chocolates, flowers. 

Kung hindi yung mga yun. Mga poems, tagalog and english. Minsan naman teddy bear na maliliit. Pero kahapon lang nakatanggap ako ng malaking pink bear na may toto, na galing pang 'Blue Magic'. Hindi ko naman tinatapon mga bigay niya. No harm naman eh. So inuuwi ko sa bahay yung mga bears, nasa kwarto ko nga eh. And yung pink bear na may toto. Pangalan niya is 'Akira'. Cute isn't it? 

So ayun back to the story. Nandito ako ngayon sa school. Room to be exact. And for your information si Gayle pala may bff. She's busy kaya hindi kami ganun nag kikita. She's 2 years older and 3 years naman ang gap namin pagdating sa year. I'm a freshmen at college while she's graduating. Nadamay sa k12 eh. 

By the way, nandito na ang prof namin. And FYI hindi na pala kami masyadong naguusap ni Zane.

"Goodmorning class. Get a partner and I'm going to give you 10 transactions. Kailangan niyong i-balance yung sampung yun. You need to finish it before dismissal. And I'm expecting that you all get a perfect grade sa activity na yan. It's just a basic accounting. Grade 11 palang pinagaaralan na uyan. Understood?" Sabi ni Ma'am Cristobal. Huhuhu, I hate accounting talaga. Basic nga lang yun pero ang hirap.

Anyways, sino ba partner ko? Tumingin ako kay Jin, pero for sure si Kiel ang partner niya. Kaya si Ky naman ang tinignan ko. 

"Ky!" Tawag ko sakanya.

Lumingon naman siya. "Po?" Tanong niya.

"Partner?" Tanong ko naman.

"I'm sorry, naunahan ka na eh. Hehehe." Sabi niya. At tinuro si Clarisse na partner niya ata.

I pout and said. "Okie." 

Sino na ang partner ko?

"Hey Sera? Don't have any partner yet?" Nilingon ko yung nagsalita.

"Waley pa eh. Ikaw ba?" I said to Zane.

"None. Tayo nalang partner." Sabi niya. Tumango nalang ako.

Loving My Possessive BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon