Chapter 34

145 9 3
                                    

Chapter 34: Lihim na ayaw mabunyag

Seraphina's POV

1 day before ang birthday ni Ky. At nakabili na rin ako ng regalo para sa kanya. I bought her, her favorite phone case. Yung we bare bears and stitch tsaka stitch din na stuffed toy. Mahilig kasi siya sa stitch, we bare bears and minions. Kaya ayun yung naisip ko na i-regalo.

Tas kinausap niya kami like kanina lang na, mag sleepover daw sa kanila. Lonely daw kasi siya, wala daw parents niya, tas wala rin daw mga kuya niya. By the way she said that she have 2 older brothers. Kumbaga siya ang unica iha at ang bunso sa mag kakapatid. Graduate na rin daw kasi ang Kuyas niya. And nagtratrabaho na rin sa kumpanya nila. Kaya ayun busy sila.

Nagtatampo nga daw siya eh. Feeling niya daw nakalimutan nilang bday niya tom. Kaya niyaya niya kami na matulog sa kanila. Para naman daw hindi siya lonely.

Umoo naman kami ni Jin, Syempre pagbigyan na, birthday naman niya bukas eh.

"After class ahh!" Sigaw ni Ky. Na paalis ng room dahil mag ccr daw. Nasa room kasi kami last class na tas uwian na.

"Oo!" Sabay na sigaw naman namin ni Jin. And hanggang ngayon hindi pa ata okay sila Jin at Kiel. Hindi pa sila nag papansinan eh.

"Sera." Napalingon ako nang bigla akong tawagin ni Zane.

"Bakit?" Sabi ko nang makaharap ako sa kanya.

"Hindi kita mahahatid nagyon sa inyo tsaka kila Ky. May lakad kami ng Dark Ace. Ok lang?" Paalam niya.

Tumango naman ako. "Ok. Ingat nalang." Sabi ko. 

Saan naman kaya sila pupunta? Basta alam niya kung nasan ako.

Hindi ko natiis at nagtanong ako kay Zane. "Hey, by the way. Saan pala kayo pupunta?"

"Space Bar." 

"Space Bar? Hindi ba yun yung nasa keyboard diba?" Nagtatakang tanong ko. Bakit? Totoo naman eh.

Bigla namang napa poker face si Zane. "Not that kind of space bar. It's a kind of a Bar. Pangalan ng Bar. In short, Space ang pangalan nung Bar. Get it?" Sabi niya.

"Ahhh. Ok. Ano ba gagawin niyo dun? Tsaka may iba pa ba kayong kasama?" Tanong ko.

"Silly. Ano ba ginagawa sa bar? Natutulog? Of course we're going to drink. Ikaw talaga. And nah, kami lang ng Dark Ace." He said and pinched my cheeks.

Napa pout naman ako. "Good. Uwi nang maaga ah. Hindi umuga." Sabi ko kay Zane.

"Yes mi amor." He said. At nginitian ko naman siya.

Umayos na ako ng upo dahil paparating na raw ang prof namin.

***

6:00 pm

Nakauwi na ako, actually kasama ko si Kuya Kyle, ihahatid niya ako kila Ky. Alam niya na rin pala yung sa amin in Zane. Wala naman daw kaso sa kanya. Basta wag lang daw ako sasaktan at paiiyakin. Dahil patay daw si Zane kay Kuya.

"By the way lil sis. Dala mo ba ang mga meds mo?" Tanong ni Kuya habang nakatingin pa din sa daanan.

"Yup." I said.

"Are you going to tell them?" Tanong ni Kuya.

Napatingin ako sa kanya. Napagisipan ko nang mabuti ito at ready na ako. "Yes." Sabi ko.

"Well then. That's good." Sabi ni Kuya. At nginitian ko siya.

Lumipas ang ilang minuto at nasa harap na kami ng bahay nila Ky. Mala mansyon pala ang bahay nila eh. Laki eh.

Loving My Possessive BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon