Chapter 50

104 7 0
                                    

Chapter 50: Untitled

Third Person's POV

Kasalukuyan na naglalakad si Sera patungo sa restroom ng mall. Nag paalam ito sa mga kaibigan na mag c-cr lang. Dahil pag katapos nila kumain ay nag hanap sila ng pwedeng pagtambayan muna para mag pahinga.

Nang makitang malapit na siya sa banyo ay may lumapit sa kanyang lalaki, naka all black itong damit. Hindi niya ito kilala kaya kinabahan siya. Baka may gawing masama ito sa kanya. O baka mag nanakaw, dahil hindi imposibleng may mag nanakaw sa mall.

Pilit siyang lumalayo sa lalaki ngunit lapit ito ng palpit sa kanya.

Nang hindi niya na natiis ay hinarap niya ang lalaki, ngunit nagulat siya dahil may hawak itong baril na nakatago sa pantalon niya. Mas lalong kinabahan si Sera sa posibleng mangyari sa kanya. 

Kaya tinatagan niya na ang loob at hinarap ang lalaki."Anong kailangan mo?" Matapang na tanong ni Sera sa lalaki.

Malamig at nakakatokot na tinignan siya nang lalaki. "Kailangan kita. Nakikita mo itong baril na nakatago sa pantalon ko? Ipuputok ko ito sa bungo mo kapag nagtangka kang umalis. Kaya wag kang mag iingay o mag tangkang umalis pa, dahil mag papaalam ka sa mundong ito." Sabi ng lalaki.

Mas tinatagan pa ni Sera ang loob niya. "Ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong pa niya.

Nagtagis ang bagang ng lalaki at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Sera. "Wag ka nang tanong ng tanong, dahil isang tanong mo pa ay mapapahamak ang lalaking minamahal mo. Nasa kamay na namin si Smith, kaya't manahimik ka nalang diyan at sundin mo ang sasabihin ko. dahil kapag hindi ka sumunod ay papatayin namin ang pinakamamahal mong si Smith." Tugon ng lalaki. "Akin na ang bag mo." Sabi pa ng lalaki.

Nanghinang ibinigay ni Sera ang bag niya sa lalaki at napaisip dahil sa nalaman. Hindi pwede! hindi pwedeng patayin nila si Zane!  Tama nga siya sa hinala niya. Ang grupo nila Buenavista ang gustong kumaha sa kanya.

"Wag niyo siyang sasaktan." Matigas na sabi ni Sera pero hindi na siya pinansin ng lalaki at hinawakan ang kamay, paalis sa pwesto nila.

Sumuko na si Sera sa pag tatanong dahil natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari kay Zane kapag hindi pa siya tumigil.

Hawak hawak ng lalaki si Sera patungo sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ng lalaki.

Nang makapasok sila sa kotse ay tinalian ng lalaki si Sera sa kamay at paa. Nilagyan ng piring at tinakpan ang bibig gamit duck tape.

Hindi na alam ni Sera kung anong nangyayari pero naririnig niyang nag sasalita ang lalaki at parang may kausap ito.

"Tara na Angelo." Ani lalaking kumuha kay Sera.

"Mabuti naman at napasama mo kaagad itong si Ms. Parker. Magaling ka talaga Paul. Tiyak na matutuwa si Jeremy kapag nalaman niya ito." Isa sa kasamahan nila.

"Christian, tawagan mo si Jeremy. Sabihin mo papunta na tayo at may dala na tayong package." Sabi ni Paul sa kasamahan.

Jeremy? Si Buenavista. Tama nga ang hinala ko. Sila ang mga myembro nung lintek na lalaking iyon! Mga walang hiya sila! Wala sana silang gawing masama kay Zane. Sabi ni Sera sa isip isip.

SA kabilang dako naman, ay ang tatlong kababaihan na nag uusap sa loob ng starbucks.

"Nasan na kaya si Cleng? Ang tagal naman niya, halos 30 mins na siyang wala. Eh samantalang malapit lang ang restroom dito. Tawagan niyo nga." Nagaalalang sabi ni Jace. 

Tinawagan naman ni Ky si Sera, pero hindi niya ito macontact.

Nag aalalang tumingin si Ky sa mga kaibigan. "Wala, hindi ko macontact, unattended siya. Imposible namang walang signal dito sa mall. Ang lakas nga ng signal ko, at parehas lang kami ng sim." 

Loving My Possessive BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon