This is dedicated to my lovely friend, pangalan nalang nating 'buto' kasi payat siya and babae siya. Hope you're doing fine now. Cheer up girl! I love you mi amigo, hope to see tom. Hart hart.
Chapter 52: Bond
Seraphina's POV
It's a wonderful day today, cuz kasama ko ang tropa, hindi nga lang kami buo dahil hindi pa rin umuuwi ang mag pinsan na sina Ally at Miyu, kaya hindi ko maituturing na buo ang trop dahil wala pa sila.
So ayun nga, nandito na kami sa penthouse nila Zack, kasama ang mga tropa. Nag didistribute na si Zack ng room keys sa amin, nag assign na rin siya ng mga mag kakasama sa kwarto. At syempre, mag kahiwalay ang room ng mga lalaki sa babae. Well, except sa mag fiance na sina Jin at Kiel. Ayaw mag pahiwalay ni Kiel eh.
So bale, kasama ko sina Ren at Ky. Sa mga lalaki naman ay Mag kasama sina Zane, Kris, Quinn at Luis sa isang kwarto at sa isa naman ay sina Zack, Zeke at Louie. Yan ang napag usapan.
At first nga ayaw ni Zane na humiwalay sa akin eh. Pero wala, nagagalit sina Ren, Ky at Jin. Dapat hindi daw kami mag kasama sa iisang kwarto dahil masama daw yun, baka may milagrong mangyari kapag kaming dalawa lang ang magkasama, which is partly true, knowing Zane? Wild beast yan eh. Malibog pa.
Pero eto, si Jin naman ang sumaway sa amin, kasama niya ngayon si Kiel sa iisang kwarto. Wala na kaming magagawa eh. Hayaan nalang natin sila, hayaan natin silang gumawa ng milagro basta mag proteksyon lang sila haha.
So ayun nga uli. After maibigay ng room keys nag siakyatan na kami para mag ayos dahil aalis pa ata kami.
"Sira ulo talaga yang si Jin eh 'no? Siya 'tong nagalit kay Kali at Quinn dahil gustong nating mag solo kasama ang mga jowa natin. Pero siya rin pala itong nag solo kasama ang fiance niya. Sira ulo talaga." Natatawang sabi ni Ren sa amin. Oo, siya din. Sila din ni Quinn gusto na mag kasama kaso ayaw din ni Jin. Sira talaga.
"Wala eh, hayaan niyo na. Tsaka kung sumama naman kayo sa mga jowa niyo. Ako naman ang iniwan niyo. Ganyan kayo eh. Iniiwan niyo ako eh. Porke may mga love life na, iiwan niyo nalang ako. Nakakatampo kayo ah." Malungkot na sabad naman ni Ky. Kaya nilapitan namin siya ni Ren at sabay na niyakap.
"Asus, tampororot ang Kyla namin.Hayaan mo, babawi kami sayo. Tsaka wag kang mag alala. Nandyan naman si Kris kapag naiwan ka namin mag isa. Ayyyieee. May pag asa na uli." Tukso na sabi ko kay Ky at tinusok tusok ang tagiliran niya.
"Naku! Tigilan niyo nga ako. Move on na ako sa kanya 'no. Tanga kasi siya eh. Nandito na sa harap niya eh, iniwan niya pa. Para lang sa babaeng iiwan din naman pala siya. Haynako, bahala siya sa buhay niya. Basta ako, masaya na ako sa kung anong meron sa akin. Masaya na ako na naka move on na ako sa kanya."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin. Tignan lang natin yan Ky. Hindi naman natin masasabi, lalo na't wala na sila ng bwisit niyang girlfriend. For sure na lalapit uli yan sayo. Kaya ihanda mo na ang sarilli mo." - Ren.
"Ano yun? Lalapit lang siya sa akin kapag may kailangan lang siya? Kapag iniwan na siya ng panget niyang girlfriend? Ano ako? Gagawin niyang laruan na hahanap hanapin at lalaruin lang para sumaya siya? No way! Bahala na siya sa buhay niya. Pag katapos niya akong iwan sa ere? Pag tapos niyang makipag FO sa akin? Lalapit uli siya dahil iniwan na siya ni Zia? Tang'na lang."
"Kung sakali mang lapitan ka niya uli. Wag mo nang pansinin, kung wala ka na talagang nararamdaman sa kanya at kung talagang friendship over na kayo. Na totally strangers na kayo. Hayaan mo siyang lumapit sayo pero wag mo nang i-entertain." - Me.
"Hayst... Pero sana wag na talaga siyang lumapit sa akin at mang hingi nanaman ng tulong. Sawa na ako eh. Sawa na akong maging taga ayos ng gusot niya sa mga problemang hindi niya kayang ayusin. Tsaka siya na mismo nag sabi na FO na kami. And to me, FO is FO. Wala nang balikan ng friendship. Ginusto niya yan eh. Panindigan niya."
BINABASA MO ANG
Loving My Possessive Bestfriend
Romance"I wish that I had NEVER MET YOU. Then there would be no need to impress you. No need to want you. No need for crying over you. No need for heartbreaks. No need for pain or tears. No need for forgotten promises. No need for rejected hugs. No need fo...