Chapter 54: I'm Yours
Seraphina's POV
Months has passed. And I can say that, we can live in peace na. Wala nang away away, wala nang threat, wala nang gang fights. Dahil nang bumuwag ang DHG, ay nabuwag na din ang Dark Ace, though hindi naman totally buwag, parang they oath to each other na wala nang gang fights pero mga mag bebest friends pa daw sila. They can still be called Dark Ace without any label, just friends.
Nandito pala ako ngayon sa condo ni Zane, as a matter of fact, mag kasama kami ni Zane ngayon. Kasi wala lang. We just missed each other, isang linggo din kaming hindi nag kita kasi busy siya sa studies niya ngayon eh. Alam niyo na, future doctor eh.
I felt him hugged me from behind. Nag papalambing nanaman. "Baby, where do you want to go? Wala naman akong gagawin today." He asked me.
"Ok lang na dito nalang tayo babe, tinatamad din akong lumabas eh. Let's just spend this day together. Mas ok na yun sa akin, tsaka I know you're tired, mas mapapagod ka pa kung aalis tayo. Dito nalang tayo mag bonding." Sabi ko.
Hinarap niya ako sa kanya and he gave a sweet smile. "Thank you for understanding my situation Sera." He said and gave me a quick kiss on the lips.
So ayun, nag kulitan lang kami ni Zane, hanggang sa nauwi sa mga random questions. Naka upo kami ngayon sa sala sa sahig. May carpet naman kaya ok lang. Tamang food trip lang kami tsaka sound trip, tas minsan tamang aninangan ganun.
"I want you to be my wife after you graduate." Napalingon ako bigla kay Zane dahil sa sinabi niya.
"That was too random."
He looked at me seriously. "I'm serious Sera. Gusto kitang pakasalan pagkatapos mong grumaduate."
I let out a small laugh. "Are you already proposing?"
I heard him chuckled. "Not really. I just want you to know my plans after your graduation."
"Wow ah, may plano ka na pala after kong grumaduate. Daig mo pa ako ah. Sige nga, ano pa? Ano pa ang mga plano mo? Enumerate them to me one by one." I said laughing.
Napatawa na din siya dahil sa sinabi ko. "First, papakasalan kita. Second, bubuntisin kita. And last but not the least, mamahalin kita habang buhay, ikaw at ang mga magiging anak natin." I was shocked when I heard that from him.
"Grabehan ah. Ang lala mo na Zane. Una, nasa first year college pa lang po tayo hane, tsaka ilang taon pa bago ka makatapos. Pangalawa, MGA anak talaga. Bakit Mr. Smith? Ilan ba ang binabalak mo?"
"Mrs. Smith, kaya nga after mo grumaduate diba? Kasi kapag after kong grumaduate matagal pa yun. Ayaw ko nun. Tsaka gusto ko tatlo. Gusto ko puro lalaki tas isa lang babae, kasi gusto ko poprotektahan nila ang nag iisang unica iha natin."
"Apaka talaga. Akala mo naman siya yung mabubuntis at ang mag luluwal. Akala mo ang dali dali lang manganak at mag dala ng bata ng siyam na buwan. Palibhasa, madali lang sayo ang gumawa ng bata. Tamang in and out tas labas ng tamerds ka lang tas hahayaan mo lang mag meet ang sperm at egg cell, tas boom. May anak na. Jusko. Akala mo talaga eh."
Hindi ko inaasahan na tatawa siya ng bonggang bongga dahil sa sinabi ko. Bakit? Ano nakakatawa doon? Totoo naman ang lahat ng sinabi ko eh. Psh.
"Tamerds?" Tatawa tawang tanong niya sa akin. Tinaasan ko nga ng isang kilay. "Hindi mo alam kung ano yun? Tamerds? Tamod duh, your semen. Gosh!" At tumawa pa ng malakas. Inirapan ko na nga lang. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. I'm just stating a fact.
Mga ilang minuto pa siya nag tatatatawa bago tumigil. "Hindi na, hindi na po tatawa. Apaka sungit naman nitong baby ko eh. Naiintindihan naman kita eh. Tsaka alam ko naman yung tamerds Sera." Sabi niya sa akin na may halong tawa pa. Tinignan ko nga ng masama. "Hindi na po. Pero Sera, wag kang mag alala, kaya ng amay asawa ka diba? Para alagan ka at ang mga anak natin lalo na kapag bagong panganak ka. Ako ang mag aalala, you don't need to worry. Ako pa? Magaling kaya ako mag alaga ng baby. Ikaw nga naalagaan ko eh, mga anak pa kaya natin."
BINABASA MO ANG
Loving My Possessive Bestfriend
Romance"I wish that I had NEVER MET YOU. Then there would be no need to impress you. No need to want you. No need for crying over you. No need for heartbreaks. No need for pain or tears. No need for forgotten promises. No need for rejected hugs. No need fo...