Chapter 36: Untitled
Seraphina's POV
Shet, kinakabahan ako hah. Bukas na ang birthday ko, bukas na ako magiging legal, bukas na ako mag dedebut at bukas ko na rin sasagutin si Zane. Shet lang, ang bilis ng araw.
And by the way pala, for 3 days, nakapag prepare na kami. Ang theme na pinili ko for my debut is Narnia. Yes guys, narnia. Gusto ko talaga ang narnia, kaya yeah. Yun ang theme na pinili ko, wala namang angal sila mom at dad, pati mga kaibigan ko.
And medyo hindi naman ganun bongga ang magiging celebration. Ayaw ko na nang cotillion. Gusto ko yung free dance nalang, pero hindi mawawala ang 18 roses. Ang DA, si Zack, Zeke, Quinn, Kuya Kyle, Kuya Caspie, si dad and the rest is members ng G2:20 na naging close ko din. And by the way. Yung sa costume naman, madali lang yun, sa babae, dress and cape ok na yun. Sa lalaki naman, kahit naka slacks and long sleeves then cape, ok na yun. Hahaha. Simple pero creative diba?
So well guys, yun talaga ang dream ko. Matagal ko na kasi iniisip ang narnia theme. Dahil gusto ko at paborito ko ang narnia, why not try to be narnians diba? So ayun.
And I didn't invite the bitchy Nicole and the slutty Zia. Bahala sila, after they ruined Ky's birthday? Ayaw na namin silang makasama, baka sirain pa nila ang debut ko. Bahala na si Kris sa jowa niya, kung pipiliin niyang mag stay sa jowa at hindi umattend. Go. I don't mind at all, after all, jowa naman niya yun. And Zane? At first he wanted to convince me to invite that Nicole and Zia. But, knowing me? I won't. So of course I won. Wala naman siyang magagawa eh. It's my day after all. Tiklop talaga siya.
"Lil sis, are you ready for you big day tomorrow?" Tanong ni Kuya Kyle na biglang pumasok sa kwarto ko,
"Yes Kuya. I'm exoyted na you know?" Natatawa kong sabi kay Kuya.
"Ohsya sige, mag pahinga ka na. Goodnight baby sis." Kuya said and hinalikan niya ako sa noo.
"Goodnight din Kuya pogi." I said. And Kuya went out of my room.
Hayst... ang bilis ng panahon. Bukas na birthday ko. And oh, by the way. I'll be Queen Susan the Gentle tomorrow, and of course my escort is Zane. And he said that he'll be Prince Caspian na nainlove kay Queen Susan. Hahaha, parang laro lang yung gagawin namin tom ah. Pero anyways, masaya naman sana.
Tas kahapon pala, nagulat ako kasi bigla akong tinanong ni Zane kung ano daw gusto kong breed ng aso. Bata pa lang kasi, alam niya nang gusto ko nang aso, kaso ayaw akong bilan nila mom at dad. Kaya ayun.
*FLASHBACK*
Nandito kami ngayon ni Zane sa condo niya. Probably eating, nag paluto nanaman ang loko sa akin eh.
"Sera? What kind of dog do you want to have?" Napatingin ako bigla kay Zane nang bigla niya akong tanongin.
"Seriously? Bakit bibilan mo ba ako?" Maloka kong taong kay Zane with matching taas baba ng kilay.
Nginitian niya naman ako nang nakakaloko. "Hindi. Gusto ko lang naman malaman kung anong gusto mong aso. Masama ba?" Sabi niya with matching taas babang kilay katulad nang ginawa ko kanina.
Inirapan ko siya. "Psh. Daya. Pero anyways, gusto ko talagang aso is siberian husky and corgi. Ang cute cute kasi nila. Lalo na yung mga husky. Napakalambing nila, sabi ng iba. Hayst... how I wish I have a pet dog." Malungkot kong sabi.
"Don't worry, magkakaroon ka din ng aso. Someday." Zane said and tapped my back, na parang cinocomfort ako.
"Bibilan mo ko?" Sabi ko with matching beautiful eyes and pout. Paawa effect ba.
BINABASA MO ANG
Loving My Possessive Bestfriend
Romance"I wish that I had NEVER MET YOU. Then there would be no need to impress you. No need to want you. No need for crying over you. No need for heartbreaks. No need for pain or tears. No need for forgotten promises. No need for rejected hugs. No need fo...