2: Invisible

6K 79 0
                                    

Chapter 2

"She did what?!" Nic said then started laughing.

"What a helpful friend you are. I can just die because of embarrassment right now," I said at naglumpasay sa mesa namin.

Tumawa lang sila at pinagpatuloy nina Brian at Therese yung kwento. At alam niyo yung nakakainis? Tuwang-tuwa pa sila habang sinasabi kina Nic, Lem and Ken yung kahihiyang ginawa ko. Minsan lang daw kasi dumating yung pagkakataon na maipahiya ko ang sarili ko kaya sasagad-sagarin nila yung pang-aasar sa akin gaya ng mga pinaggagagawa ko kapag sila ang napapahiya. Now I believe in karma. Kainis. Lamunin na sana ako ng semento ngayon.

"Napaka-impulsive naman din kasi nung ginawa mo. O tubig, namumutla ka na dyan."

Inangat ko yung ulo ko. Aiken was holding a bottled water and looked at me sympathetically. Kahit ayoko ng tingin niya, di ko pa rin maiwasang kiligin. Kinuha ko yung tubig na in-offer ni Aiken at tinungga ang laman nun.

"Thanks," sabi ko tapos ininom yun. Buti pa si Aiken, concerned!

I turned to Bri and Rese. "Kayo rin kasi, bakit di niyo sinabi na hindi pala siya yun?"

"Malay ba naming susugurin mo siya noh?"

"Pero okay lang yan, friend. At least naka-experience ka kung paano magtaray sa lalake. And at least, napasaya mo ako," Therese said then laughed.

"Sige pa. Mas gusto ko na talaga tuloy lamunin ako ng lupa. Geez."

Sana may milagro at malimutan na lang ng student body yung nangyari. Kokonti lang naman yung nakasaksi nung stunt na ginawa ko eh. Baka di na kumalat yun.

Kaso... wala pala talagang milagro sa mundo.

***

Tumakbo ako papatago sa likod ng gym. Argh. Bakit nalaman nung president-kuno nung fan club ni Mr. Famous yung nangyari? I AM so dead. I wiped my face habang hinahabol ang hininga ko. I always hated running pero ngayon, mukhang I need to love it dahil pakiramdam ko, isa na to sa mga gagawin ko hanggang sa maka-graduate ako.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon