39: Invisible

3.6K 55 8
                                    

Chapter 39

"Pababa na po siya, ma'am. Sandali lang po," nilapag nung kasambahay yung juice ko sa glass table na kaharap ko.

"Salamat po," sabi ko ng nakangiti. Nginitian niya ako saka lumabas na ng sala.

Napatingin naman ako sa paligid ko. I never thought I'll step in this house. Pero ngayon tignan nga naman natin, andito ako at hinihintay ang taong akala ko'y di ko na makakausap.

"Manang, sino po bang naghahanap sa akin?" rinig kong sabi niya.

"Ay tignan mo na lang. Mukhang mayaman naman."

Natawa na lang ako sa deskripsyon ni Manang. Mukhang mayaman huh?

"Si--" natigilan siya nung nakita niya ako. "Z-Zoe. A-anong ginagawa mo dito?" tumingin siya sa paligid, may hinahanap ata.

"Don't worry. Di ko kasama sina Nicole, Brian or Therese. Di rin naman ako pumunta dito para manugod." mukha namang nakahinga siya ng maluwag. "I'm here to talk to you."

Mukhang di naman siya makapaniwala sa sinabi ko. "Tungkol saan?"

I shrugged. "Can we talk in private?" sabay silip ko sa pinto kung saan alam kong nakikinig yung ibang mga kasambahay niya.

"Ahm," mukhang nagdadalawang isip pa siya.

"Ken doesn't know I'm here. Can you please not tell him anything? Madali lang naman ako. I need to be in the airport in a few minutes," I said as I glance at my watch.

"Airport?"

Tinignan ko siya. "Aalis na ako ng bansa. So, pwede na ba tayong mag-usap ng di ako ma-late sa flight ko?"

"S-sige. Dun tayo sa labas."

Sinundan ko siya palabas ng living room papuntang front porch. Umupo siya sa may steps habang ako e nakatayo lang sa harap niya. I'm wearing a white dress and black tights, baka lang madumihan.

"What do you want to talk about?" tanong niya ng di nakatingin sa akin. Tinignan ko naman ang itsura niya, nakapangtulog pa siya. Ang tino ko kasi, alas 6 pa lang andito na ako sa kanila.

"About our issue. But first of all, I wanna say sorry for my friends behavior. Hindi sila naging welocome sayo, I know. Pero dapat maintindihan mo rin sila. Tatlong taob, anim lang kami, magkakasama. Tapos biglang the start of second sem madadagdagan na kami. Kung nag-aadjust ka, ganun din sila."

I took a deep breath. "Jandro's my first love. Shocking? Hindi naman. He was my first friend, first crush... pero wag kang mag-alala. Alam kong gusto ka niya, alam kong mahal ka niya. Sa apat na taon ba naman na magkaibigan kami, ikaw laginv bukambibig niya." tinignan ko si Faye pero nakayuko lang siya. "He was so in love with you. Pero 'was' nga ba? Kasi pakiramdam ko, ikaw pa rin ang gusto niya. He ended our friendship kasi akala niya, pinagsasasabi ko na 'kami' kahit alam kong may girlfriend siya. Alam mo rin na dahil dun nagalit ako kay Zan. Pero higit sa lahat nagalit ako sa'yo...

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon