Chapter 16
"Ate, funnel cake and iced tea po," sabi ko dun sa assistant.
"Medium?"
"Yup."
Ginawa niya na ang trabaho niya. Ako naman eh nakatayo dito at hinihintay ang order ko.
School fiesta na. Third day, at marami pa ring mga tao. Open to all ang fiesta namin kaya mas marami na yung mga stalls all over the school.
"Eto na po, ma'am."
Binalingan ko si ate. Binayaran ko siya at kinuha yung tray. Naglakad ako papunta dun sa bakanteng table at inilapag ang tray ko at ang bag ko sa mesa.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng cardigan ko at tinignan kung may bagong notifs. Nagtext si Raf. Nasa kanya kasi yung tickets namin para sa show mamaya.
Umupo ako sa upuan ko at sisimulan na dapat yung paglamon ko sa funnel cake ko ng may umupo sa upuan na kaharap ko. I stopped.
"Trent," I said.
"Hey, Zoe."
Tinignan ko siya ng nakakunot noo. "Uhh... Anong kailangan mo?"
He shrugged, "Makikiupo lang."
"Owwkaaay," kinuha ko yung tinidor ko. "Kakain lang ako ha?"
Tumango naman siya kaya tumango din ako ng dahan-dahan at nilantakan ang funnel cake ko. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy yung pagbabasa ko ng Remember Me by M.H. Clark, one of my fave authors.
"Zoe." tawag niya.
BINABASA MO ANG
Invisible. [COMPLETED]
RomanceWhat hurts the most? Unrequited love or falling out of love?