13: Invisible

2.8K 53 0
                                    

Chapter 13

"Zoe, congratulations! Ganda nung gawa mo."

"Anong app ang ginamit mo?"

Napatigil ako sa paglagay ng mga gamit sa bag ko at tinignan yung mga lalakeng kaklase ko.

"Ah. Sinunod ko lang yung bigay na instruction sa API. Yung app naman, ginamit ko yung ni-recommend ni sir."

"Ang galing talaga. Paturo ako next time dun ah?"

Ngumiti lang ako at tumango. Pinulot ko na yung mga gamit ko. "Sige, una na ako ah?"

Lumabas ako ng lab. Kakatapos lang ng klase ko. Wala si Saraf ngayon, may seminar na pinuntahan. Sayang. Makikisabay sana akong umuwi eh.

Naglakad ako sa hallway ng third floor. Pababa na dapat ako ng stairs ng biglang,

"HUY!"

"Fck!" hinawakan ko agad yung dibdib ko. Fudge talaga. Tama bang manggulat?!

"Bwisit ka! Problema mo? Kainis!" hinampas ko siya gamit yung bookbag ko.

"Aw, aray! Zo-Zoe, joke lang, joke!" hinila niya yung bag ko tapos tinignan ako saka tumawa.

Dahil sa inis ko, hinila ko yung bag ko mula sa kanya at nagpatuloy na sa pagbaba ng stairs. Kainis. Napa-cuss tuloy ako.

"Uy, damsel, joke lang yun! Hahaha. Nagcuss ka. Akalain mo yun? Marunong ka pala? Tapos yung itsura mo kanina, wow, gulat na gulat! Wahaha."

Lumingon ako at pinandilatan siya ng mata. Kainis to. Ano bang ginagawa nito dito? Tss.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon