21: Invisible

2.8K 45 0
                                    

Chapter 21

"That's all for this year. Enjoy your vacation and advance Merry Christmas. You may go now."

Naghiyawan yung mga kaklase ko. Finally. Christmas break na din sa wakas. Mass na lang mamayang 3 at vacation na.

Hinintay ko munang kumonti yung mga tao para di na hassle pag lalabas na ako mamaya. Tumayo ako and arranged my things. Inayos ko yung buhok ko habang naglalakad paakyat sa pinto ng lecture hall. Pagdating ko sa may labas, nagkumpulan ang mga estudyante. I don't know what's happening and wala naman ako balak na magpaka-chismosa kaya tinahak ko yung kabilang path para makaalis na.

"Zoe!"

Lumingon ako at hinanap kung saan nanggagaling yung boses ng tumatawag sa akin. Tapos ayun, I saw them. Crista, Jane, Leah, Raf and Ryne. I smiled as I walk towards them.

"Ang tagal mong lumabas ah!" bungad ni Jane sa akin. Magkaklase kaming lima sa subject na yun kanina pero mas nauna silang lumabas.

"Fault of the lazy side of me," I turned to Ryne. "Hi, baby."

Nginitian niya ako tapos naglean to give me a hug. "You sure you don't wanna join us?"

I shook my head. "Nah, I have plans. You guys enjoy yourself. Don't forget to tag me in the pictures, okay?"

"I sure will."

Tumayo ako ng maayos tapos turned to Raf. "Finally, bro. After 100,000 years. Take care of this pretty lady, understand?"

"Opo, ma'am. Ingat kayo sa mga pupuntahan niyo. See you guys next year!"

"Bye. Take care!"

Kumaway kaming apat dun sa dalawa. Nayaya na kasi ni Raf si Ryne na magbakasyon sa Dumaguete kung saan naka-base ang pamilya ni Raf. Pumayag naman si Ryne kaya ayun, nabuhayan ng loob ang manok ko.

"Haaay. Nakakainggit naman sila. Sana magka-boyfriend na rin ako," Leah said dreamingly. I looked at her and smiled.

"Paano, mauuna na din kami, Zoe. Alam na. Manghahakot pa kami ng papabols sa Bora."

Ngumiti ako sa sinabi ni Crista. "Sige, ingat kayo. Pag may nahakot, tawag agad para naman masuportahan ko kayo."

Tumawa yung tatlo at niyakap ako. "Ba-bye, Zoe!"

I watched as they walk papung exit gate. I fished for my phone in my bag saka tinignan kung nagtext ba sina Nicole. Pupunta kasi kami sa misa sabay-sabay. Aalis din kasi yung mga kaibigan ko para magbakasyon.

"Damsel!"

Mula sa screen ng phone ko eh napatingin ako sa taong nasa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang lapit niya lang pero kung makasigaw naman kasi. Binulsa ko yung phone ko at naglakad papalayo sa kanya.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon