Chapter 37
"Byuke, Clariamne Zoe B., suma cum laude!"
Habang umaakyat ako sa stage, ang lakas ng palakpak na naririnig ko mula sa kina Nanay, Zan, Zein, sa mga kabarkada ni Zan na nasa bleachers, sa mga kabarkada ko, sa mga kaklase ko, sa mga naging kaibigan ko at sa mga teachers ko.
Habang naglalakad ako para kunin yung diploma ko, nagfa-flashback lahat ng happy and sad moments ko sa skwelahang ito. Lahat ng tawa, iyak, galit, saya, inis at asar na naramdaman ko sa mga kaibigan at mga teachers ko.
Habang nakikipagkamay sa mga importanteng tao sa stage na to, na-realize kong eto na ang huling stage sa game called College.
Tinignan ko yung mga kapwa ko graduates, yung mga teachers, yung mga guests, yung mga pamilya aat kaibigan ng mga graduates na nasa bleachers. At eto na siguro yung huling pagkakataon na makikita ko sila.
"Congratulations, Zoe. May you have a beautiful future. Pasalubong pag uwi mo galing New York ha?" Father-slash-President joked.
"Don't worry, Father. Di ko po makakalimutan. Thank you po sa lahat ng payo niyo all through out my journey."
"Its my pleasure."
"Thank you, Father." kung pwede lang i-hug si Father ginawa ko na, kaso nasa ceremony pa kami.
Bumaba na ako ng stage at naglakad ulit papunta sa assigned seat ko at hinintay na matapos ang ceremony.
***
"Congrats, Zoe!" sabay na bati sa akin nina Loren, Mik, John, Paulo, Bryan, Kenneth at Aethan. Sina Zein, Zan at Nanay naman hugged me.
"Picture time!" sigaw ni Zan. Isa-isa naman silang pa-picture sa akin. Gusto daw kasi nilang makapagpicture sa isang tao lampas 10 ang medals na nakasabit sa leeg. Mga loko talaga yun.
Ilang sandali pa, lumapit na rin yung mga kaibigan ko sa akin.
"Zoe! Naka-7 selfies ako!" masayang sabi ni Crista. Napatingin naman agad siya kay Zandré. "Zan, pa-picture!" tapos tumalon siya papunta kay Zan.
Natawa na lang kami. Grabe, pakapalan na ng pagmumukha to!
"Alis na tayo?" tanong ni Nanay.
"Paalam muna ako kina Nic, Nay." hinanap ng mata ko sina Nic pero imbes sila yung makita ko, si Faye at Jandro... na nag-uusap.
"Si..." lumingon ako at nakita ko si Zan na nakitingin din sa lugar na tinitignan ko. "Si Jandro ba yun?"
Ngumiti ako kay Zan at tumango. "He's studying here. Hindi ko na sinabi sayo at baka magalit ka."
I saw his jaw twitch bago siya tumingin sa akin, his eyes softening. "You don't... love him anymore, right?"
BINABASA MO ANG
Invisible. [COMPLETED]
RomanceWhat hurts the most? Unrequited love or falling out of love?