Chapter 11
"Zoe, alis ka na? Kain muna tayo?"
Abruptly, I turned. Nakatayo sa may door ng lecture hall yung mga kaibigan ko na ka-block ko.
I glanced at my watch. Hindi naman siguro ako male-late, noh? I'm starving.
I sighed. "Saan tayo?"
They smiled at me at lumapit sila sa akin. "Cafeteria?"
I shrugged. Sumabay na ako sa kanila sa paglalakad pababa ng Campion Hall at papuntang caf.
Isang linggo na ang nakakalipas after that hosting thingy. It's Friday today. Isang class lang ako meron pero kelangan ko ng umalis in less than an hour. Today's Nic birthday and she invited us. Di naman engrande yun at kokonti lang yung in-invite niya pero syempre, ayoko magpaka-VIP at dumating doon ng late.
Pumasok kami sa caf. 1.30 pm na at kokonti na lang yung mga tao sa school. Konti lang kasi ang may Fridays class sa buong school kaya ganun.
Nag-order na kami at bumalik sa table namin. Katabi ko si Raf habang nakaharap sa amin yung tatlo.
"Na-pass niyo ba yung first output dun sa Multimedia class natin?" Crista asked.
"Ako pa ba? Magaling ata to," sagot naman ni Raf.
Binigyan namin siya ng nakakamatay na tingin. Lagi niya na lang binubuhat ang sariling bangko niya.
"Ano pala yang bag na dala mo?" Jane pointed at my tote bag.
"Ah. May birthday party akong pupuntahan ngayong 3 pm eh. Sa best friend ko. Dito na lang ako magcchange para di na hassle." I answered.
Tumango naman yung mga kasama ko at nagpatuloy sa pagkain namin.
BINABASA MO ANG
Invisible. [COMPLETED]
RomanceWhat hurts the most? Unrequited love or falling out of love?