Chapter 18
Umupo muna ako sa couch while waiting for Zan. Ang tagal namang magbihis nun. Mag-grocery lang naman sana kami. Tss.
"Zoe, eto na yung shop list."
Lumingon ako and saw Manang Linda holding a piece of paper. Lumapit siya sa akin and inabot yung paper.
"Kaya niyo ba yan?'
"Sure po. Kaya ko. Hope Zan won't be a pain in the ass though."
"Hey, when did you learn to use the a-word?"
Tumingin kami sa may connecting door at ayun ang kapatid ko, nakatayo. He's wearing a Penshoppe polo shirt, jeans and chucks. Goodness. Kung yan ang itsura ng pupuntang grocery, yung suot ko ata pambahay lang.
I shrugged. "Ang tagal mo. Let's go." I stood up and grabbed my purse from the counter tapos naglakad papunta sa kanya.
He gave me a once-over. "Ganyan ka lang aalis?"
Napatingin ako sa suot ko. Naka-pink shirt, jean shorts and flip flops lang ako. I turned to him and frowned, "What's wrong with my outfit?"
He shook his head. "Wala. Tara na nga."
Nagpaalam kami kay Nanay at kay Manang Linda tapos lumabas na ng bahay. Pumasok ako sa shotgun seat ng kotse ni Zan at kinabit ang seatbelt. Pumasok din si Zan at agad na binuhay ang makina ng kotse.
"GMS lang tayo?" he asked.
"Yeah. Mas malapit."
Di na kami nag-usap ni Zan at nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. After 10 minutes, nakarating na kami ng Yubenco. Pumasok siya at nagpark. Bumaba na ako at ganun din naman siya.
BINABASA MO ANG
Invisible. [COMPLETED]
RomansaWhat hurts the most? Unrequited love or falling out of love?