15: Invisible

2.9K 51 0
                                    

Chapter 15

"Anong ginagawa mo dyan ah?"

Tumingala ako at napatingin sa taong nagsalita. Si Raf. Inilapag niya yung bag niya sa table and slid in the seat next to me.

Kinuha niya yung mga copies ng short story sa table at kumunot ang noo niya. "Binabasa mo tong mga to ulit?"

I shook my head. "A friend asked a copy of those. Ang kaso nung nalagay ko sa bag, nasama pati eto," I waved a paper at him.

"Ano naman yan?"

"Literature exam. Remember? Yung pinagawa tayo ng sarili nating ending sa isang short story?" tumango siya. "I read it again. And, dude, my work sucks. Sooo cliché!"

Tumawa naman siya. "It was ages ago. Freshman pa tayo nun. Syempre, di ka pa 'ganun' kagaling sumulat."

"Pero hello, yung ginamit kong sentence: 'napagtanto niyang mahal niya na rin ang kababata. Pagkalipas ng dalawang taon, nagpakasal ang dalawa at namuhay ng masaya at nagmamahalan'. Fudge. Sana pinatay ko na lang yung bida dyan."

Mas natawa naman si Raf at inagaw yung paper ko, "Ipa-scan ko nga yan para remembrance. It's been four years pero naitago mo pa to ah."

I shrugged and smirked at him. "The organized side of me."

"She said," sabi niya.

Tumawa kaming dalawa at nag high five. Nag-alarm na kaya napatingin ako kay Raf.

"May pasok ka?" tanong ko.

"Oo eh. Ikaw?"

"Wala na. Free na ako. Wala na akong klase, di kami imi-meet sa DigiArts ngayon."

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon