28: Invisible

2.6K 42 3
                                    

Chapter 28

 

Midterm’s finally done. Wala ng kalbaryo, wala ng sakit ng ulo. Well, maliban na lang sa charity event na to. I hate this thing.

“Zoe, wag magalaw, oki?”

I glared at Louisse, the president of scholarships department in our school. The charity event is always organized by them and laging scholars na gaya ko ang trip nilang maging model. She was persuading me to be one of the models for the said event for the past three years but I always say no. Pero mukhang nakahanap ng paraan ang babaeng to ngayon. Kase imbes ako ang tanungin, yung head ng department ang tinanong kaya ayun, pinasok ako.

“Gusto mo ba mapahiya ang scholarships dahil sa akin, Lu? How dare you?”

“To naman! Last year mo na nga dito sa school ganyan ka pa. Gawin mo na lang. Tumulong ka naman sa mga susunod sa yapak mo bilang no. 1 scholar dito sa university natin.”

I rolled my eyes at her. “Bahala ka. Pag ako walang natanggap na donation, ikaw naman.”

“Sus, alam mo masyado mong dina-down ang sarili mo! Alam mo ba na sa Secret Files, ikaw ang pinakahahangaan ng karamihan sa students ng school natin? They worship you! Kita mo ang number of followers mo sa Twitter at Facebook?”

I looked at her incredulously. “Sigurado ka na talaga dyan? Kaya ako maraming followers sa Facebook kasi di ako nang-aaccept ng friend requests. Ang sinungaling nito!”

“Lu, tumigil ka na lang. Ano pa bang maaasahan mo dyan kay Zoe. Number one pessimist yan noh. Tignan na lang natin mamaya, for sure hakot na niyan lahat,” sabat naman ni Gailey, isa sa mga models din ni Louisse.

I rolled my eyes and slipped into my red pumps. Umupo ako sa chair na nakaharap kay Louisse, to let her do my make up.

Well let me explain this charity event. One whole day to, fourth Friday of January laging ginaganap. Classes sa morning, pagdating ng hapon, yung mga models, rarampa sa whole campus. Not really rampa. Parang maglilibot lang para makakuha ng donation. May karga kaming box kung saan ihuhulog ng mga taong gustong ‘magdonate’ yung pera nila. Syempre, dapat di labag sa loob mo. Anyway, syempre para makahatak ng donors, kelangan ng get up. Last year, fairy ang theme. Ngayon, lolita.

I'm wearing a black cocktail dress with square neckline. May strap ito na nagfo-form ng ‘x’ sa harap ko at natatali sa likod. It has a fitted bodice and has pleated skirt kaya nagmumukhang pa-balloon ang skirt. At the hem of the skirt, there are white and black ruffles and the skirt falls an inch above the knee. I'm wearing a five-inch heel pumps na bright red ang kulay, ka-match ng lipstick ko at ng headband na suot ko. All in all, I look like a lolita.

I really don't know why scholars who participates in this event have to dress up. Can't we just do something normal? Like solicit or something? Why do they need to torture us?

"Ayan, Zoe. Tapos na!" upon hearing those words, i immediately stood up and looked at my reflection in the full-length mirror. My hair's in loose curls that falls just above my shoulder. She sprayed the ends with green, which I think looks great on me. My make up isn't light but isn't heavy, too. Hmm, I can say I look good.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon