38: Invisible

2.9K 49 0
                                    

Chapter 38

Inilagay ko lahat ng grooming equipment ko sa isang bag tapos inilagay sa kama ko. Ganun din yung ginawa ko sa toiletries ko.

Nakakapagod mag-empake. Di ko alam kung ano yung dadalhin ko o kung dapat ba dalhin ko lahat. Hindi na ako nagpatulong kina Nanay at Zein at baka umiyak na lang kami at di na kami matapos dito.

Tumayo ako ulit at pumasok sa walk-in ko. Kelangan bang dalhin ko lahat ng sapatos ko o iiwan ko na lang yung iba?

Releasing a deep breath, kinuha ko na lang yung tatlong box ng heels, dalawang sandals, flip flops at isang converse. Sa laki ng suitcase ko, kakasya na ata lahat ng damit ko doon.

Bumalik ako sa kama ko aat inilagay lahat ng gamit ko sa loob ng suitcase. Nung satisfied na ako sa kalabasan, I zipped it at tinago sa loob ng walk-in closet ko.

I glanced at my clock at nakita kong 3:48 na. Mga bandang 4:30 kami magkikita nina Nic sa bahay nina Brian. Bakit naman kaya doon pa kami magkikita?

Pinilig ko na lang yung ulo ko at kinuha yung phone and keys ko saka bumaba at dumiretso sa kusina.

"Alis ka na?" Nanay asked.

"Opo," sagot ko habang tumatango kay Nanay. Kumuha ako ng isang slice ng sandwich. "Bye, Nay."

"Ingat sa pagmamaneho, ah?"

"Opo," naglakad na ako papuntang living room para suotin yung converse ko. Umupo ako sa couch katabi ni Zan na busyng-busy sa phone niya.

"Sino ka-text mo ha? Si Mik ba yan?" I nudged him. "Ligawan mo na, kuya. Bagay kayo."

He rolled his eyes pero nakangiti naman. "Nililigawan ko na."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa pagsuot ng sapatos ko. "Di nga? Kelan pa?"

Ngumiti lang si Zan. "Medyo matagal-tagal na rin naman. Di pa lang ako sinasagot."

"Seryoso yan? Ibig kong sabihin, seryosong relasyon yan?"

"Oo naman. Wag nga nating pag-usapan yan!"

Ngayon ko lang nakitang nahihiya si Zan kaya lubus-lubusin ko na ang pang-aasar. "Asus, kinikilig ka lang."

"H-hindi kaya."

Natawa naman ako sa pag-utal ni Zan pero di ko na lang pinansin. I focused on tying my shoelaces.

"Eh kayo? Kamusta date niyo ni Trent kagabi ha?"

Medyo natigilan ako sa sinabi ni Zan pero di ako tumingin sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko at for sure aasarin ako ng kambal ko pagnakita niya akong ganito.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon