32: Invisible

2.7K 48 0
                                    

Chapter 32

"And that is our last lesson."

We all gave a round of applause. Sir Edge just smiled and bowed tapos he turned off the projector. Yung ibang mga kaklase namin e lumapit sa kanya at nakipag-usap.

"I'm gonna miss Sir Edge. The best teacher ever. Ga-graduate na talaga tayo!" Sheila whined.

"Ayaw mo? Matatapos na rin yung torture ng mga teachers natin sa atin! We're going to be free!" Wendy said.

"Free? May Final project pa tayo kay Sir Edge tapos meron pang 4 na terror profs na sobrang demanding. Asan ang free doon?" sabi ni Geera.

Nagkatinginan kami nina Shee at Wen. Bitter mode si Geera kasi nalaman niyang may crush si Skye. Syempre sinusuportahan nina Shee at sinasabi na 'baka' siya raw yun. E kaso etong si Skye, laging kasama yung isang ka-bloc nila, Era ata pangalan. Binubuhat niya ang bag, sinasabayan niya pag lunch, minsan pag magkita-kita kami sa hallway sila magkasama. Kaya ayan, heartbroken siya. E wala naman silang maimpintas kay Era kasi perpek. Parang ako lang kina Aiken at Faye ang drama niya.

Ang kaibahan lang... si Geera talaga ang gusto ni Skye. Nagpapaturo lang si Skye kay Era manligaw. At isa pa magpinsan silang dalawa (hindi alam nunh tatlo na magpinsan sila. Ako at si Trent lang). Kakatawa nga kasi sobra kung magdrama si Geera e siya nga yung gusto ni Skye. Syempre, being the amazing friend that I am, hindi ko sinabi sa kanya yun. Skye asked me not too.

"Group project naman yun e. Tayong 6 pa. Ayaw mo nun? Magkakasama kaya ni Papa S?"

"Ano naman yung makasama siya ng ilang sandali sa makasama siya pangmatagalan?" pagmamaktol ni Geera.

"Emotera. Ako nga sanay na sanay na sa one-sided love na yan." I said.

Napatingin yung tatlo sa akin. "One-sided? OMO." tapos umiling-iling pa sila.

"Ewan ko sa inyo," tiningnan ko yung oras sa wrist watch ko. "Alis na tayo? May pupuntahan pa ako eh."

"Tara," tumayo na kami. Pinulot ko na yung mga gamit ko then hoiated my bag over my shoulders.

Papalabas na kami ng room nung nakisabay sina Trent at Skye sa amin. Si Geera naman kung makatingin kay Skye kulang na lang sabihin niya ang mga katagang: "You're so near yet so far."

"Uwi na kayo?" Skye asked.

"Kami, oo. Si Zoe may date pa." sagot ni Wen.

Napatingin yung dalawa sa akin. Ako naman napatingin kay Wen. "Date sa kapatid ko? Susunduin ko si Zandré." Speaking of Zandrê. "By the  way guys. May gagawin ba kayo next Friday?"

"Baket?"

"Birthday ko. I mean, ng kambal ko but we're going to celebrate it together on that day. So... if you want, you can come. Di na ako magbibigay ng invitation. Masyadong pambata yun e," I said.

Invisible. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon