Life is not a fairy tale so don’t expect a happy ending.
But even though we don’t want to, we cannot stop ourselves from expecting.
‘Coz it’s normal. Lalo na sa pagmamahal. Lalo na kung nagmamahal ka.
Lagi kong hinihiling na sana ma-reciprocate ‘yung feelings ko pero I never expected na mangyayari yun. Sabi nga kasi nila,masakit ang mag-expect.
Pero I was blinded. Blinded by everything. Akala ko kapag hindi ka mag-a-assume, hindi ka na masasaktan.
But in my case, dahil hindi ko binibigyan ng kahulugan ‘yung mga nangyayari sa paligid ko kaya mas nasaktan ako.
Kung kailan tatanggapin ko na ‘yung ending, saka naman ipapamukha sa akin na I wasted my opportunity.
Kung kailan handa na akong bumangon, saka ko naman na-realize na wala na akong mga paa.
Bakit ba kapag nagmamahal, kailangan laging masaktan?
We always want what we don’t have. That’s why it’s hard to appreciate the things around us.
At kapag nawala na, saka mo lang mari-realize na mahalaga pala. Kaya ngayon, nagsisisi ako.
Ang cliché. Paulit-ulit. Pero sa pag-ibig, walang cliché, walang redundancy.
Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan... kung pwede ko lang itama lahat...
Kaso, huli na.
"Bwiset ka, Zoe. Bwiset ka." rinig ko yung iyak nina Brian, Therese at Nic sa kabilang linya. "Bakit di mo sinabi na ngayon ang alis mo?"
"Ayokong makita kayo na puro sipon at uhog. Yuck, di maganda sa imagination," I joked.
"Seryoso to, kambal. Bakit nga?" seryosong tanong ni Lem.
I sighed. "I wanna remember your happy face when I leave not your crying faces. At least nakapagpaalam na ako sa inyo, diba?"
"P-pero... ang daya mo. Mahaba ang dalawang taon!" Bri said.
"Maikli lang yan. Basta wala magbabago ha."
“Now boarding flight 6753 for American Airways to New York, America. Please make your way to your designated area to board flight 6753 for American Airways to New York.”
"Paano, tinatawag na ang flight ko. I love you, guys. Bye."
BINABASA MO ANG
Invisible. [COMPLETED]
RomanceWhat hurts the most? Unrequited love or falling out of love?