Chapter 6: First Day of Work

1.8K 36 3
                                    

Chapter 6: First Day of Work

Kylie's POV

Gumising ako ng maaga dahil eto ang first day of work ko. Pumunta agad ako sa aking sa-sakyan at nagmaneho pa-puntang Jefferson's Company. Nagbe-benta at gumagawa sila ng iba't ibang uri ng wine.

Ang Presidente sa kompanyang iyon ay Jefferson ang apilido. Siya ang anak ng may-ari ng kompanya. Actually, mag-kaibigan ang parents namin. Mabuti pa nga siya, pinagka-katiwalaan siya ng magulang niya sa pag-handle ng kompanya. Eh ako? Pinasok nila ako sa kompanya ng kaibigan nila!

Pero, wala na 'kong magagawa. Kundi, tanggapin nalang ang binigay ng kapalaran sa'kin. Tinanggap ko rin ang trabaho na 'to para patunayan na mas magaling ako sa kahit na sino. Kahit sa President ng kompanyang ito, I know.. mahirap siyang tanggalin sa pwesto dahil ang kompanyang iyon ay pagma-may-ari ng tatay niya. Pero who knows? Baka mas pagkatiwalaan pa ako ng magulang niya, dahil ga-gawin ko talaga ang best ko para patunayan sa lahat na wala nang ga-galing pa sa akin. Pwede ko rin siyang patalsikin, ha-hanapin ko ang kahinaan niya para mapatalsik siya sa pagiging Presidente. Basta bahala na.

Tinigil ko ang aking sa-sakyan nang makita ko ang pangalan ng kompanya nila.

I sighed. This is it, Kylie.

Pagkapasok ko pa lang ay mayroon nang bumati sa akin.

"Good morning, ma'am Kylie!"

Binigyan ko lamang sila ng tipid na ngiti at patuloy na naglakad.

Ang pagkakasabi sa akin ay mayroon daw meeting sa 3rd floor. Kaya naman nag elevator na ako pa-punta roon.

Nagtanong ako sa ilang mga empleyado rito kung saan ang meeting room nila. At nang itinuro nila sa akin 'yon ay agad ko 'yong pinuntahan.

Pagkapasok ko doon ay nag u-usap-usap pa ang mga tao sa upuan at nang makita nila ako ay agad silang nagbulong-bulungan.

Naka formal oufit ako ngayon, kagaya nila. Kaya siguro sila parang nagta-taka, dahil bago ang mukha ko sa kanila.

Inayos ko ang tayo ko at masayang nagpakilala sa kanila.

"I am Kylie G. Mendoza and I am the----

Hindi ko pa natatapos ang sa-sabihin ko nang may biglang nagsalita galing sa likuran ko.

"She is now the Vice President of this company."

Napatingin ako sa lalaki na nasa likuran ko. Naka formal attire rin siya.

Naka-simpleng tuxedo siya, pero ang lakas ng dating niya dahil sa magandang hubog ng kaniyang katawan.

Napatingin ako sa mukha niya, ang amo ng mukha niya. Maputi. Matangos ang ilong at mapula ang kaniyang labi.

Nakita ko ang pagngisi niya sa akin kasabay nuon ay inalahad niya ang kamay niya sa akin.

"I am Blake P. Jefferson, the President of this company. Nice meeting you, Kylie G. Mendoza."

Hindi ko tinanggap ang mga kamay niya at ta-talikuran na sana siya nang hinawakan niya ang kamay ko at nakipag shakes hand sa akin.

Tinaasan niya ko ng kilay. Kumunot naman ang noo ko. So embarrassing.

"Nice to meet you." Simple kong sagot pero nakanuot pa rin ang noo ko.

Tinalikuran ko na siya at pumunta sa may dulong upuan. Siya naman ay umupo doon sa dulo rin pero nasa likod niya ang malaking screen na ga-gamitin ata para sa pag me-meetingan namin ngayon.

Bali, pa rectangle kami ngayon. Ako ang nasa dulo, kaya kitang-kita ko ang malaking screen at siya naman ay nasa dulo rin ngunit nakatalikod siya roon sa malaking screen. At ang mga ibang tao naman ay nasa gilid lang.

Napansin kong tumahimik ang paligid nang dumating siya. Hindi ko alam kung natatakot lang sila dahil siya ang Presidente ng kompanya o dahil nakakatakot talaga siya?

"Okay, before we start this meeting I like to present the new Vice President of this Company, Kylie G. Mendoza." Sabi ni Blake kaya naman tumayo ako. Agad naman nila akong pinalakpakan.

"Nice meeting you all." Sabi ko at umupo na.

"Wala ka nang iba pang sa-sabihin? Iyon lang?" Nakanuot na tanong sakin ni Blake.

"Hmm, yes? Ano pa ba ang dapat kong sabihin?"

"You should now that, Ms. Mendoza, you are now the Vice President of this company. Hindi mo ba alam na ang dami-daming gustong magkaroon ng position dito sa company na ito, at napaka-swerte mo dahil hindi ka pa nagtra-trabaho rito even once, ay pagkadating mo VP ka na agad?"

"Well, hindi ko kasalanan 'yon. Dahil galing ako sa isang pamilya na kinikilala ngayon ng maraming tao na sina Edward Mendoza at Isa Mendoza. Hmm, balita ko ay magkaibigan daw ang parents natin. Kaya pinasok nila ako sa company na 'to. Dapat nga sa company na ako ni Dad mag-trabaho pero ewan ko ba, bakit niya naisipan na ipasok ako sa ibang kompanya." Mataray kong sagot sa kaniya. Nakakainis siya. I hate being so open sa ibang tao ngayon. Dahil isa 'yon sa mga natutunan ko, kapag masyado kang naging open sa ibang tao 'yong iba ay ga-gamitin nila 'yon para pabagsakin ka. Pero, wala na 'kong magagawa. Gusto niya atang mag-speech ako ngayon dito.

"I just want to Introduce yourself, Kylie to everyone. Para makilala ka nila. Ang dami mo pang sinabi. Sit down!" Pagalit niyang sabi sakin.

And now, siya pa ang galit ah? Mukhang hindi kami magkaka-sundo ng isang 'to. But, that's okay. Ayoko rin namang magkaroon ng kaibigan dito sa company na 'to. They are all the same.  At saka isa pa, ang goal ko sa company na 'to ay mapatalsik ang lalaking 'to sa pagiging Presidente niya para patunayan kina Mommy and Daddy na I deserve to be President. Not just Vice President para na rin mapatunayan na kayang-kaya ko na mag-handle ng kompanya.

"So, let's start this meeting.."

-

Pagkatapos ng meeting ay agad akong pumunta sa sinabi ni Blake na magiging office ko. Pagkapasok ko doon ay hindi ko maiwasang ma-mangha dahil ang laki ng magiging office ko.

"Woah, is this really a office? Kasing laki na 'to ng kwarto ko."

Makikita sa loob ng office ko ay ang isang malaking table at isang simpleng swivel chair.

Mayroon ding malaking sofa, at table. Siguro doon nalang ako magpa-pahinga kapag pagod na 'ko.

Mayroon pang isang pintuan at nang binuksan ko 'yon ay bumulaga sa akin ang napakagandang C.R. Mas malinis at mas maganda pa 'to sa C.R ko sa kwarto.

Nagsimula akong mag-ayos ng gamit ko. Lahat ng papeles at lahat ng mga bagay na ga-gamitin ko ay inaayos ko na sa mga lagayan. Buti nalang din ay mayroong cabinet dito, para paglagyan ng iba ko pang mga kagamitan.

Nang matapos akong mag-ayos ay tinignan ko ang kabuuan ng office ko.

Perfect! Sabi ko sa sarili ko.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon