Chapter 48: You're Mine
Kylie's POV
Nagising ako dahil sa halik ni Blake sa labi ko.
Napangiti ako. Masaya ako ngayon na katabi ko na siya pagtulog at makikita ko na lagi ang maamo niyang mukha tuwing gigising ako.
"Shhh, matulog ka pa. Alam kong napagod ka." Sabi ni Blake sa'kin habang hinihimas ang buhok ko.
"Hindi na 'ko inaantok, Blake." Sagot ko sa kaniya.
"So.. another round?" Nakangising sabi niya sa'kin.
Pinalo ko naman siya sa braso niya. Hindi pa matigil ang isang 'to!
"Huwag muna. I'm still tired." Sagot ko.
"Then rest. I'm just kidding, Misis ko." Nakangiting sabi niya sa'kin at hinalikan niya ako sa noo.
"I just want to lay in this bed the whole day, Mister ko." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"You can." Sagot niya.
"Pero hindi pwede, may pupuntahan tayo ngayon." Sabi ko sa kaniya.
Inangat ko ang aking ulo at uupo na sana ako nang naramdaman ko ang sakit at hapdi na nasa pagitan ng hita ko.
"A-aray." Angal ko.
Inalalayan naman ako ni Blake para makaupo.
"Sh*t.. I'm sorry, Kylie.. n-nasaktan kita." Paghingi niya ng tawad.
Natawa naman ako.
"Mawawala rin 'to, Blake. Saka, kaya ko naman eh." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Kahit ang totoo, hindi ako makagalaw ngayon.
"Are you sure?" Nag aalala niyang tanong sa'kin.
"Yep! Wait lang ah? Maliligo lang ako." Paalam ko sa kaniya.
At nang patayo na ako ay napasigaw ako nang bumagsak ako sa sahig. Shocks! Bakit humina ang tuhod ko ng ganito?!
Agad naman siyang lumapit sa'kin para buhatin ako papunta ulit ng kama.
"Sh*t! Sorry talaga. Hindi ko kasi mapigilan kagabi. Naka ilang ulit tayo. Eh first time mo pa naman. Sorry talaga! Sorry!" Sabi niya sa'kin at niyakap niya ako mula sa tagiliran ko.
Ewan ko, pero nanghihina talaga ang katawan ko ngayon. Baka hindi na muna ako makadalaw sa hospital.
"Hmm.. bukas nalang tayo umalis. Nanghihina ang katawan ko eh." Sabi ko kay Blake.
"Saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Hospital. Diba, sabi ko. Tutulungan ko si Brylle as a friend? Don't worry, Blake. Sa tuwing bibisitahin ko siya, kasama ka." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Of course! Baka mamaya, agawin ka niya sa'kin." Seryoso niyang sabi.
Napailing naman ako.
"Hindi 'yong gagawin ni Brylle. He's matured enough." Sabi ko kay Blake.
"Iyan din ang sinabi mo sa'kin about kay Kate. Na she's matured, na mas matured pa siya sa'yo. But, look.. what's happening now to her? Lahat ng tao nagbabago. But it's up to the person, kung 'yong pagbabago na ba 'yon ay nakakabuti para sa kaniya o nakakasama." Sabi ni Blake sa'kin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. He's right.
"Hmm.. okay! Basta don't worry, lagi naman kitang kasama." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Hinalikan naman niya ako sa pisngi.
"B-Blake, gusto k-kong maligo.. paano 'to? Hindi ako maliligo hanggang bukas?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
RomanceHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...
