Chapter 4: The New Beginning

1.8K 47 3
                                    

Chapter 4: The New Beginning

After 5 years..

Kylie's POV

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

I sighed ano nanaman ang kailangan neto?

Sinagot ko ang tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino ba 'yon.

"Alam mo, kung sino ka man, hindi mo ba alam na gabi na dito sa America?! Matutulog na ko! Nakaka istorbo ka---

"Oh, Ms. Mendoza? Nakakaistorbo ako sa'yo? Well, mas nakakaistorbo ka sa'kin!"

Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan kung sino 'yon.

[ President. ]

Napairap na lang ako sa hangin nang nakita ko kung sino 'yon. Siya lang naman ang President ng papasukan ko na kompanya sa Pilipinas. Pinipilit kasi ako nila Mom and Dad na pumasok do'n. Eh, hindi naman kailangan! At saka isa pa, hindi ko deserve na maging Vice President lang sa kompanyang 'yon! Mataas ang pinag aralan ko, kaya I am deserving to be President of that company.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon kong sabi sa kaniya.

"You need to arrive, TOMORROW in the Philippines. Kung hindi ka makakauwi then, you should say goodbye to my company. And if you say goodbye to my company, please also goodbye to your parents. Dahil magagalit sila sa'yo."

"ANO?! Bakit bukas agad?! Hindi mo ba alam na---"

"No excuses, Kylie G. Mendoza. You don't know me, kapag sinabi ko. Sinabi ko. Bye! Have a good night!"

Have a good night?! Wow nice! Hindi ata nag iisip ang isang 'to.

Binagsak ko ang aking cellphone sa aking higaan. I sighed. Wala pa akong kapahinga pahinga tapos pa-pauwiin niya ko sa Pilipinas?

Pero, wala naman na akong magagawa pa. Kapag sinabi niya daw, sinabi niya.

Inumpisaham ko nang ligpitin ang mga gamit ko dito sa hotel. I will miss this, for 5 years. Masasabi ko na, ito ang pinaka peaceful na naging part ng buhay ko. Wala akong naging kaibigan dito sa America. Wala akong naging kasama. For living here for 5 years, I realized that sometimes you just need to be alone, for you to have a perfect life. Hindi ako masaya, hindi rin ako malungkot. I'm contented in this life. But, I need to go there in the reality. I need to go back there.

---

"We just arrived here in the Philippines, have a good day ma'am/sir!"

"MOMMY!" Tawag ko kay mommy nang nakita ko siya na nag a-antay sa airport.

"I miss you so much, mom." Sabi ko kay mommy at mahigpit na niyakap siya.

"I miss you too, anak." Tugon niya at agad akong niyakap pabalik.

"How are you, mom? Si dad asan siya?" Tanong kay mommy at umalis na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ayon, sobrang busy. Alam mo naman 'yang si Daddy mo, kahit pagod na pagod na hindi pa rin nagpapahinga."

"Hays, si Daddy talaga oh.. uhm, btw, sino pong nasa bahay?"

"Si manang at si Nick."

"Ah okay po. Miss ko na po sila. I can't wait to see them! May mga pasalubong ako para sa inyo!"

"Oh! That's great anak, tara na."

Nakangiti ako habang pa-puntang kotse. I can't wait to see them! I really miss them. Sana sila rin.

Habang nasa kotse kami ay inilabas ko muna ang aking cellphone at nag fb.

Habang nag f-fb ako ay may biglang nag message sakin. It's weird, wala siyang profile. At ang pangalan niya ay "no name"

Who the f, is this?

"I'm giving you 2 days para magpahinga."

What?!

Sino ba 'to?!

Nang tinignan ko ang facebook account niya ay nanlaki ang mga mata ko nang friends siya nila mommy at daddy.

"Ano 'yon anak? Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Who is this, mom? No name? And nag message sa sakin na bi-bigyan niya ako ng 2 days para makapagpahinga?"

"Oh! Hahahaha. 'Yan ang presidente ng pa-pasukan mong kompanya."

"What?! He's weird."

"Yeah, he really is. But wait for it, Kylie. Makikilala mo din siya."

Hindi nalang ako kumibo. He's really weird. But, that's okay! Ang mga katulad nu'n ay madali lang pabagsakin. Ang pinaka goal ko kasi sa kompanya na 'yon ay ang maging President. Ayoko ng V.P lang! Para din magtiwala si Dad sa akin na kaya ko nang mag handle ng kompanya at ipagkatiwala na niya sa akin ang lahat.

Nang nakapunta na kami sa bahay ay hindi ko maiwasan na tumitig dito. Ganoon pa rin. Walang pagbabago.

Nang nakita kami ng driver namin ay agad niya kaming tinulungan sa pagbitbit ng mga gamit ko.

"Thanks." Pagpapasalamat ko.

Habang pa-pasok kami ay nakakarinig ako ng ingay.

"Mom, sino 'yon? May nag a-away ba?" Tanong ko kay mommy.

"Hindi ko alam nak, sino ba 'yon?"

Pinakinggan kong mabuti kung kaninong boses 'yon. At napagtanto ko na, si Nick 'yon!

Sinong sinisigawan niya? Sinong kaaway niya?

Binitawan ko ang mga dala ko at patakbong pumasok sa bahay. Hinahanap ko kung saan galing ang ingay at nagulat nalang ako sa nakita ko.

"Nick!" Pagalit na sigaw ko kay Nick.

Agad-agad akong lumapit kay Nick at sinabunutan siya palayo kay manang.

"WALANG HIYA KA! KINUHA KITA RITO PARA TULUNGAN SI MANANG! HINDI PARA SAKTAN SIYA!" Sigaw ko kay Nick at pinagsi-sipa siya.

"Ma-ma'am Kylie! S-si Manang naman po ang may kasalanan!"

"Aba, sumasagot ka pa ah!" Agad ko siyang sinampal nang dalawang beses.

"KYLIE!" Narinig kong sigaw ni Mommy sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag. Sinasabunutan at sinisipa ko pa rin siya.

"K-kylie! T-tama n-na 'yan!" Narinig kong awat ni Manang sa akin pero hindi pa rin ako tumigil.

Galit na galit ako ngayon! Ang ayoko sa lahat ay 'yong mapang-abuso!

"KYLIE! TAMA NA 'YAN!" Napatigil lang ako nang narinig ko ang boses ni Dad.

"AYAN BA ANG NATUTUNAN MO SA AMERICA? ANG MANAKIT? BAKIT NAGBAGO KA NA?"

"AKO?! NANANAKIT?! DAD! PINAGTATANGGOL KO LANG SI MANANG! NAHULI KONG SINASAKTAN NI NICK SI MANANG!"

"AT GA-GANTIHAN MO DIN 'YON NG PANANAKIT?! EH ANO PANG PINAGKAIBA MO KAY NICK, KUNG MANANAKIT KA RIN?"

"Tama na 'yan, huwag na kayo mag-away!" Awat sa amin ni mommy.

"DAD, I REALLY DON'T GET YOUR POINT!"

"YOU DON'T GET MY POINT, BECAUSE YOU ARE NOT THE KYLIE STANDING HERE IN MY FRONT RIGHT NOW!"

"Oh sige Dad! Kayo na po ang tama! Kayo naman po lagi eh! At ikaw Nick, sa oras na nakita ko 'yang pagmumukha mo sa bahay na 'to, hinding hindi ako magda-dalawang isip na gawin ulit sa'yo ang ginawa ko! Malinawag?!" Sigaw ko kay Nick.

Nakita ko ang matatalim na tingin niya sa akin, but who cares? Hindi ako natatakot sa kaniya. Hindi dapat kinakatakutan ang mga taong kagaya niya.

"Halika na po manang." Yaya ko kay manang.

Pa-punta na sana kami nang kwarto nang bigla siyang natumba sa sahig.

"MANANG!"

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon